Kalmot ng pusa

Hello po ask ko lang po kung yung batang 1year old pa lang ay pag nakalmot ng pusa ay hindi na kailangan paturukan ng anti rabies? galing po ksi kami sa cemter sabi po hindi na daw po kailangan kasi covered na daw po yun ng anti tetano 5years daw po yun. Nagtataka lang po ako bakit anti tetano? Salamat po sa sasagot❤️

Kalmot ng pusa
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Punta po kayo sa Animal Bite Clinic mismo pa 2nd opinion po kayo.. tama naman na pinapaturukan din ng Anti Tetano ang mga ganyan + Anti rabies yun bale dalawa turok depende din sa severity ng sugat galing sa kalmot or kagat... inform mo din sa Clinic kung meron nga turok na ng Anti tetano..

mas okay po na magpunta na po kaung clinic mahirap kase pag kamott ng pusa, minsan kahit kuko kase may rabies eh. Ang pagkakaalam ko po both binibigay yun eh. better safe that sorry. may nabalita napo kase dateng bata nakalmot ng pusa after a month pa lumabas sign ng rabbies.

VIP Member

Kelangan pa din po. Delikado po yan. Di agad nagmamanifest ang rabies if ever. Minsan taon. Kaya mas maigi na ipa anti rabies vax nyo po. Ako non nakalmot lang din ako ng maliit, pero inanti rabies pa ko. Mahirap makipag sapalaran.

Salamat po . napa anti rabies ko na po siya nagpasecond opinion po ako kasi hindi po ako kampante sa sinabi lang ng mga tao dito sa center namin e kahit pala may anti tetano dapat may anti rabies pa din kaya pinaturukan ko na po agad

Hi Mi, pa anti rabbies nyo pa din po. Iba po ang anti tetano. Baby ko 11 months na kalmot ng stray cat. Dinala namin agad. Chineck if may anti tetano then Anti rabbies nalang ininject. If wala both po ibibigay

magpa anti rabbies nalang po kau mahirap po kase ang rabbies ireversable na yun momsh.