Sino na po nakaranas nito?

Hello po ask ko lang po kung paano po ito gamitin?? Alam ko po na insert ito sa pwerta ng babae... Yan po bang kulay pink ang mismo na insert po??? Salamat po sa sagot

Sino na po nakaranas nito?
17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po, bilang isang ina na may karanasan sa paggamit ng nasabing produkto, gusto ko lang po ipaalam na ang kulay ng insert ay hindi lamang pink. May iba't ibang kulay ito depende sa brand at uri. Ang pinakaimportanteng bagay ay basahin muna ang instructions sa packaging bago gamitin. Kailangan ding siguraduhin na malinis ang kamay bago ito hawakan at gamitin upang maiwasan ang impeksyon. Kung mayroon pa pong ibang tanong, feel free to ask! Voucher ₱100 off 👉🏻 https://invl.io/cll7hw5

Magbasa pa
4w ago

di po yan marereply parang robot lang sagot nyan

Yes, yang pink mismo. Ipapasok no sa pwerta mo, hanggang sa pinakamalayo na maaabot mo. Much better if kay mister ipalagay kasi mas malayo ang abot niya. - This is nothing sexual, gamot ito at un ang mas effective na paglalagay. Basta make sure malinis ang kamay mo (maghugas muna bago ipasok) then mahiga lang ng mga 30 mins kasi may tendency na lumabas sya hanggat di pa natutunaw.

Magbasa pa

Same lang po lahat ang pag-insert ng vaginal suppository. Ipapasok mo sa pwerta hanggang cervix banda habang nakahiga at dapat malinis ang kamay. Nakahiga for 30 mins. Magleleak po yan sa underwear after, kusa po yan lalabas after mo bumangon. Yung gamot na pinagamit sayo ay ANTIBACTERIAL? May findings po kayo sa urinalysis or sa kahit anong test?

Magbasa pa

vaginal suppository - antibiotic po iyan kasi may UTI po kayo. much effective po kesa paginom ng antibiotic. paggamit po dyan ay bago po kayo matulog i insert sa vagina dapat nakapaglinis na rin po kayo. kusa po iyan matutunaw iyan.

sakin po color white heragest, pinapa insert sakin Kapag nagbibleeding ako nung 1st trimester. nung second trimester ko naman lumipat ako ng OB Meron din halos pareho itsura pero oral naman pagtake sa kanya.

4w ago

same po nung sakin color white din insert sa loob for spotting.. heragest din ang name ng capsule

ganyan din reseta sken pero orange nmn insert lng sa pwerta bago matulog maglinis muna tapos sa underwear magsuot k n lng ng pad pra di kumalat sa underwear

Hi po nka try po ako nyan bali po e papason niyo yan sa private organ niyo before kayo matulog. And effective sya kahit mahal

pinapasok po yan hanggang kung san kapo i niee po. 1 week din po akong gumamit nya color white naman po yun akin😊

yes po meron din po ako niyan nung pagkaanak ko isuot po mismo sa pwerta kase mabilis po matunaw yan

parang ganyan din ginamit ko nung nagka yeast infection Ako mi, effective Naman sya