Emotional

Hi po ask ko lang po kung ganun po ba talaga after manganak napaka emotional iyak ng iyak? Tapos feeling mo napaka lonely mo parang walang tumutulong sayo. Pagtinitignan mo yung baby mo naawa ka, naiiyak ka. Ano po kaya dapat gawin? Tapos yung partner mo pagod na pagod daw sya kasi wala daw syang tulog. Parang ang sarap lumayas. Ano po kaya dapat gawin. #1stimemom #advicepls

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

laban lang momsh ako nga din naiinis na sa asawa ko. kala mo siya ung may pospartum depression siya palagi galit kapag di napapatulog si baby nakakapagsalita siya ng bad word. kaya nga di kami nagpapansinan ngayon eh bwisit siya