Emotional

Hi po ask ko lang po kung ganun po ba talaga after manganak napaka emotional iyak ng iyak? Tapos feeling mo napaka lonely mo parang walang tumutulong sayo. Pagtinitignan mo yung baby mo naawa ka, naiiyak ka. Ano po kaya dapat gawin? Tapos yung partner mo pagod na pagod daw sya kasi wala daw syang tulog. Parang ang sarap lumayas. Ano po kaya dapat gawin. #1stimemom #advicepls

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy labanan mo, pray and be strong, kasi nangyayari po talaga ang postpartum depression. Godbless mommy! Hope you'll feel better. Kausapin mo din ang hubby mo in your case.

5y ago

Nilalabanan ko nga po kaya lang ang hirap sa pakiramdam naluluha na lang ako magisa pag naliligo ako humahagulgol na ako. Parang gusto gusto ko ng companion na masasandalan.