Milk

Hello po ask ko lang if totoo bang di talaga tabain si baby kapag breastfeeding po? Mejo naiinis kase ko pag sinasabing wala pang kalaman laman baby ko. EBF ko po sya. Kapag formula po ba talaga nakakataba ng baby ? Wala po ko balak mag formula dahil malakas gatas ko tumutulo pa nga po minsan tanong ko lang po talaga dahil si baby di pa tumataba.

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas ok ang breastmilk plus may benefits sa inyong dalawa ng baby mo ang pag brebreast feeding , pag formula pa ang gamit ung poop ni baby pwedeng matigas mapwepwersa na agad ung pwet, ung liquid nga na poop hirap na ang baby pag breastmilk ang tinake e. Tataba din si baby mo kasi ganon sakin sobrang payat lng pero now ang healthy healthy tignan ng baby ko. Don't mind those people na ang basehan ng pagiging healthy ay ung tabain. Continue breastfeeding para iwas SIDS o anuman sakit na pwede makuha ni baby at iwas sakit din po sayo.

Magbasa pa
5y ago

Sudden infant death syndrome, https://ph.theasianparent.com/reseach-says-breastfeeding-can-reduce-the-risk-of-sids

Wag po kayo makikinig sa mga pumupuna kay baby..hindi sukatan ang pagigung mataba ng bata para masabing healthy siya.. may matabang baby na sakitin, may payat na baby pero malakas katawan.. basta po nag gain weight naman si baby according sa age niya kagit po di siya mataba okay lng un..bminsan nasa genes tlaga na payat si baby.. breastmilk is best for babies po, wag padala sa udyok n magformula kung gindi naman kinkelangan at hindi advise ng pedia..

Magbasa pa
5y ago

Thank you poo mommy

Hindi basehan ang pagiging mataba or pagiging payat para masabing healthy. Breastmilk is the best para sa mga baby. Kaya nga yun tinatawag na liquid gold. Wag ka makinig sa mga nagsasabi sayo na iformula mo anak mo. Maswerte ka at madami kang breastmilk para ibigay sa anak mo. Ung iba struggling to breastfeed. Hindi sakitin ang bata na ebf at marami pang benefits ang breastmilk. Magbasa kamo sila wag puro kuda.

Magbasa pa

Wag ka magformula momsh kung malakas ang tulo ng gatas mo, continue breastfeeding your baby. And yes, hindi sila tabain unlike sa formula milk na puro sugar kaya mataba ang bata. Hindi sila tabain pero napakalakas ng resistensya dahil sa live antibodies ng breastmilk. Educate your neighborhood pag sinusubukan ka nilang buyuin magformula. Ganyan ginagawa ko, di sila nakakaimik 😂

Magbasa pa
5y ago

Thank you poo

Okey lang yan mommy. Madami talagang ganyan mga walang magawa sa buhay kundi pumuna. Ang importante breastfeed ka at healthy si baby, nasa lahi din kase yan kung di tabain ang lahi nyo😊 Ganyan din baby ko noon 1month sya, lagi pinupuna ng bianan ko n payat daw di daw maganda ng gatas ko bla bla.

VIP Member

Iba iba mo kasi build ng baby, may mga BF na di naman mataba yung iba sakto lang din po, yan po kasi minsan ang nakakainis sa taba nila binabase pero no. Masustansya po ang BF kaya huwag nalang po kayo makinig sakanila.

BREASTMILK IS THE BEST! Mas maganda katawan ni baby kapag pure breastmilk. Kung madami yan, wag ka na magformula mommy. Wag mo silang pansinin. Malayo sa sakit si baby pag milk from u sobrang healthy.

Depende po..hindi rin po tabain ang baby ko bf rin sya ang advantage po ntin breastfeeding mommy is hindi po sakitin si baby...in fairness po mag 7mons n po ang baby ko never po sya ngkakasakit.

Ok lng yan mommy ganyan din baby ko 10months old na di cxa tabain ebf din cxa...malusog nmn khit di mataba di lagi nagkakasakit di gaya s panganay ko formula tumaba cxa pero lagi nagkakasakit...

Pamangkin ko po EBF ng ate ko at payat fin sya pero hnd sakitin. Wala pong makakatalo sa Gatas ng ina kahit gaano pa kamahal ang Formula milk. The best milk ever. Kaya dont listen to them.