Hi po. Anyone na natry nang gamitin tong ointment na to? Natural lang lang bang parang nagnanana at lalong nananariwa yung sugat pag nilagyan nito? Ako po ksi ngayon ay 23 weeks pregnant, pero nung March 18 po na-operahan ako para alisin yung ovarian cyst ko. Safe nman si baby and now nga 23 weeks na sya. Ang problema ko ngayon ay yung tahi ko nung pinag-operahan. Yung tahi ko kasi para akong naCS. Until now hndi pa sya galing. 1 and half month na. Lagi ko naman nilililinis. Galing na ko sa OB ko last week at hinatulan nya ko nito. After ko daw linisin ng betadine, pahiran ko naman daw nito. Ngayon po ang napansin ko, para lalo lang nanariwa at parang nagnanana yung tahi ko. Hindi ko alam kung natural lang ba yun at yun ba talga ang effect nya. Anyone po na nakagamit na nito? Ganon po ba talaga? ?