Late

Hello po ano po pwede gawin para lumabas na yung mucus plug or mag bloody show? 41 weeks na ako tapos close parin yung cervix ko. Umiinom naman din po ako ng prim rose and pineapple juice. Nag eexercise at walking. Nagiging frustrated na ako kasi umiiwas ako ma cs at every punta sa OB ang laki na ng nagagastos ko imbis para na sana yun sa panganganak ko. Please po ayoko ma cs medjo kapos na rin po.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ask your OB if possible na ma induce ka po kasi may mga health considerations din po un. Hindi po lahat pwede ma induce. Sa panganay ko po 37 weeks and 3 days pero tagal ko nag labor mga 21hrs kaya na induce ako at nakapag normal padin naman po. Ibang natural way po na sabi nila ay sa pag stimulate ng nipples and at least twice a day na contact with hubby po.

Magbasa pa