After breakfast

Hello po, ano po bang breakfast ang mababa sa sugar? Kahapon po oatmeal with maternal milk lang kinain ko. Ngayon naman 2 slice wheat bread with Lady's choice ham spread. Every 1 hour after breakfast mataas. :( Pero normal naman sa before breakfast, after lunch and after dinner. 4x po kasi ako nag check sa glucometer (before breakfast, 1 hour after breakfast, 1 hour after lunch and 1 hour after dinner)

After breakfast
26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi! Sharing my experience. Pinag monitor din ako ni OB ng blood sugar. Same din ng sayo na 4x a day. Ang gusto ni OB below 140 ang sugar ko every after meal. Here's what I did po. Breakfast, oatmeal lang as in no milk or sugar. Plain oatmeal. Mataas talaga ang sugar natin every morning. Preggy man or hindi. Ang explanation po sakin is dahil tulog tayo ng gabi. Katawan na mismo natin nag aadjust para ma-maintain yung normal blood sugar. Lunch, half rice lang or boiled potatoes. Sa ulam, regular serving lang. Nilalagyan ko na lang ng salt and pepper kapag potatoes po kinakain ko. Miryenda, half slice lang po ng apple. Pwede rin buong saging or orange. Pinakabawal po grapes at ripe mango. No to shakes rin po. No to juices din. Dinner, 2 pcs wheat bread + any fruit + maternal milk. Sugar ko before yung diet ko, umaabot ng hanggang 250. During diet, highest ko is 139. Normal range na po ang sugar ko within one week of dieting. After 2 weeks, continue ko lang diet ko para lagi syang below 140. Unfortunately, may computation si OB sa mga nakuha kong numbers and ang diagnosis nya, uncontrolled yung sugar ko. So ayun, referred ako sa OB na humahawak ng may GDM. Good news is madadaan pa sa diet yung case ko. No need na mag add ng meds. Also, very healthy si baby. Nirefer lang ako para mabigyan ako ng mas specific na gagawin. Blood sugar ko kaninang after lunch is 127 lang. 😊

Magbasa pa