525 Replies
inom lang lagi sa umaga ng sabaw ng buko' yung malauhog .... mataas din uti ko nung preggy ako' ... nung unang test ko' more tubig tas sabaw ng buko sa umaga ' nung pinaulit test ko nag normal na ... continue lang po gang manganak ...
safe sya as long as nireseta ng OB mo sau dont worry sila mas nakakaalam ano safe sayo.. panay inom kalang ng water at buko juice then iwas ka muna sa mga bawal kainin like maalat, preservative foods, etcc.. wag din magpipigil ng ihi
Dapat po ay sumangguni muna sa inyong OB Gyne upang malaman natin kung ano ang kanyang payo. Ang sa akin po noong 3 months pa lang ang tiyan ko ay may UTI din ako at may inireseta sakin ang OB ko na antibiotics good for a week only.
hi po. hindi po safe ang mga antibiotics lalo na at preggy . much better kung uminom ka ng tubig palagi . iwasan ang mga softdrinks at mga maaalat na pgkain . atsaka mas mainam kung magtanong ka sa OB nyo po .😊😊 God bless
sa first baby ko I have UTI rin pero sabi naman ng OB ko hindi naman sya need resitahan more water lng okay na. depende pa rin po yan gaano kataas ung UTI mo mommy and reresitahan rin naman po kayo ng OB nyo na angkop para sa iyo.
#UTI Hi mommies, ask ko lang po , natural lang po na mag bleeding ako dahil mataas po ang UTI ko? Hindi naman po masyadong marami. Dapat ko po bang inumin ang antibiotic na reseta ng doctor? Di po ba mapapano si baby? Salamat po.
Pacheck up ka may ibibigay na antibiotic for uti ako kasi almost a month balik nang balik sa hospital papalit palit ng gamot mayron pa sa private hospital ok naman urinalysis ko samantalang sa public hospital ang taas ewan ko ba
NagkaUTI din po ako sa panganay ko dati, kung ano mga payo ni ob at bawal kainin Iniwasan ko. Kahit ngayon sa pangalawa ko madami akong iniiwasan para hindi magkaUTI tulad sa ate niya. More water po wag kang kakain ng mga bawal.
Basta galing kay OB na resita safe yan Ako nga 5 buwang na may uti. Pero 2 beses lang ako neresitaan. More more Water walang juice at softdrink. Inom ka rin nang buko pag umaga yung wala ka pang kain. Yung tubig lang nang buko.
basta prescribed ng OB mo safe yun. much better to treat yung UTI mo, wah matakot sa gamot, kasi if left untreated mas delikado sa inyo ni baby, pede ka mag pre term labor sa infection. kakatapos ko lang ng 1 week na gamutan.