36 Replies

Maliit pa po talaga ang tiyan mamsh pag 12weeks lalo kung payat po kayo 🙂 for peace of mind pwede ka naman po mag pa TVS or Ultrasound depende po kung ano pa ang pwede.. para makita niyo po si baby.. Think positive lang po lagi at laging inumin ang prenatal vitamins, more water and rest po lagi.. may mga clinic po na nag tvs/pelvic ultrasound kahit wala pong request ni OB,

🤣🤣🤣 ganyan din ako overthink malala kaya nag pa ultrasound talaga ako nung naka raang araw at ayun subrang healthy ng baby thanks god.. nakita ko na siyang subrang likot sa tiyan ko at sumisipa sipa pa 🤣🤣🤣 at ito panatag na ako. . pang iwas talaga sa pagka praning ang ultrasound kahit na gumastos ako bahala na basta mawala din ang pagka stress ko 🤣🤣

VIP Member

kung first time pregnancy po yan wag po kayo mag alala kase normal po na hindi agad lumaki ang tiyan. wag ka po magpa stress at mag overthink basta po keep healthy po tsaka ingat po sa pagkilos. 4 to 5 months ng pregnancy ko po di po masyado malaki tiyan ko parang busog lang yung itsura pero nung mag 6 months until now na 7 months na po biglang bilog po ng tiyam ko🤣

Iwasan mo kakabasa ng ikakaparanoid mo baka dahil sa sobrang mong worry, mastress ka. Baka yan pa ang maging dahilan para makunan ka! As long as hndi ka nag bebleeding, walang masakit sau wag ka mag overthink. Normal pong maliit ang tyan lalo na FTM. Maliit lang din ako magbuntis, lumubo lang tyan ko pag dating ng 6mos dun palang sya lumaki.

kalma ka lang mommy think positive ka lang palagi wait k n lng ng one week, pwede kana bumalik sa ob maririning na heartbeat ni baby sa ika 13weeks, inumin mo lng mga vitamins mo, kumain ka ng healthy foods, happy ka dapat lagi, ako 13weeks ng pregnant narinig na nmin heartbeat ni baby nung sunday ang saya 😊

true po ako na kada check up dinisilip si baby sa ultrasound nung may 29 3months na ko nun gumagalaw na si baby sa loob kaya nkakatuwa na nkakaiyak

Pray ka lang mi and kausapin si baby nakakahelp din yun sa development nila ako turning 3 mons preggy pero naka 3 na agad ako na trans v kasi nung 1st na trans v ko sac palang at walang hb pero after 2 week na pagbalik ko thanks god at ok na ang hb ni baby praying na tuloy tuloy na. If need mo ng doppler meron ako hehehe godbless us

Nakakatawa kasi ganito din ako noon HAHAHHAHAHAHAHAHAHAH sobrang paranoid ko.🤣🤣 Dami ko rin nababasa na ganiyan dati umabot pa sa point di ako makatulog nang maayos. 🤣🤣 Ngayon 37 weeks na ako sobrang likot na ni baby 🤣🤣 Ang kinakatakot ko naman ngayon malapit na kabuwanan ko. 🤣

Better to buy your own fetal doppler mommy , like me na first time mom di ako nag hesitate bumili kc same as you paranoid din talaga kc ako . So ayon naging habit ko na na every morning nag check kay baby kahit nasa bahay lang , im using aloevera(faceshop ko nabili) as gel na nilalagay sa Doppler

wag ka po mag isip nang nega mi. makakasama po sayo and sa baby mo. much better mo pong gawin is magpahinga and alagaan sarile mo. pag follow up check mo pwede mo naman irequest kay OB na gusto mo marinig heartbeat ni baby mo kasi nagwoworry ka. think positive mi

Monthly ka magpacheck up mommy. same tayo, na alala din ako noon, ngayon medyo na lang haha kung pwede lang araw araw masilip si baby para makita sya palagi. Pero magrelax ka lang. wag gawin ang bawal, balik kay ob pag may spotting or ibang naramdaman.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles