Hello po. 40 weeks po ako ngayon at last check up ko po kahapon kay Ob. 1cm pa lang po ako pero pag uwi ko sobrang sakit na ng puson at balakang ko na parang dysmenorrhea. Kapag po sumasakit puson ay kasabay pagtigas ng tyan ko. May lumabas na din po na mucus plug at bloody show pero di ko pa naman nararamdaman yung parang natatae. Labor na po ba ito o dahil lang sa pag IE?