Kati kati

Hello po, 37weeks pregnant po ako. may mga kati kati po ako sa katawan. nagsimula nung start ng 3rd trimester siguro. pinacheck up ko po yun. una sa lower belly tsaka sa dibdib lang po tsaka onti lang. bearable pa naman po yung kati non pero may times na di ako makatulog sa gabi. sabi po sa hormonal changes lang daw po yun at mawawala after birth, niresetahan ako antihistamine for 5nights lang daw po dapat. binili ko naman po agad, pero walang effect. after 2-3 weeks po ata nun nilagnat ako ng 2 days tas parang may tigdas sa tyan ko, nagpacheck up po ulit ako. sabi lang sakin inom ako vit c twice a day until birth. pero wala pa rin po nangyare. last month lang po dumami na naman yung mga kati kati ko. nagpacheck up po ako kasi talagang lumala na po parang may nana na sa loob sa tyan ko na maliliit. sabi sakin bungang araw daw po, may nirecommend sakin na reseta na naman. pero hanggang ngayon wala pong magandang result lahat. pinagamit din po ako ng sulfur soap safe naman daw po sa preggy after a week nawala naman po yung mga nana sa tyan ko pero yung mga butlig hindi po at sobrang kati pa din minsan sa gabi iniiyakan ko and sobrang di ako makatulog talaga. ngayon po sobrang dami na. mula sa dibdib, tyan, private part, hita, binti pati braso at paa ko po. may mga eczema din po ako na nagsusugat na. aloe vera naman po ngayon yung pinapang gamot ko. may nakaexperience po kaya ng same sakin at pano nyo po nakaya? salamat po mga momshie

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan nangyare sa friend ko rashes siya nung una. 2nd opinion ka sa ibang ob.

6y ago

tatlong ibat ibang ob na po yung napuntahan ko ☹️