Labor

Hi po. 37 weeks and 6 days pregnant here. Tanong ko lang po labor sign na po ba pag napapadalas sipa ni baby as in malakas tapos masakit na balakang kahit anong lipat ko ng pwesto? alanganin po ako kase wala pa namng blood show eh. thanks po

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

FTM din ako, nung una paranoid ako. Pag mejo masakit galaw si baby akala ko sign of labor na yun. Pero nung time na nagle labor nako grabe iba pala ang sakit πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… Yung tipong sa sobrang sakit ang panget panget mo na pero wala kana paki πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

5y ago

Hahaha opo. Iba talaga pag FTM di mo alam kung ano at paano gagawin heeheh

Mommy, maniwala ka, malalaman mo kung labor na yun kasi ibang klase yung sakit. Di mo maexplain at matatawag mo lahat ng santo na kilala mo saka madadasal mo lahat ng dasal na alam mo hehe goodluck po!!! 😊❀

5y ago

Hhehe Thanks po 😘

Di po cause ng labor ang paggalaw ng bata. Normal lang na gumalaw yan kahit kabuwanan na. Hehe. Hilab ng tyan na di naiibsan ng kahit anong posisyon saka bloody show po ang labor..

5y ago

Ang hilab buong tyan titigas, sasakit ang pwerta hanggang pwetan.. gumamit ka timer para alam mo.. Magkaiba ang hilab sa galaw ng bata.. sobrang layo po ng feeling ng dalawang yan..

same tayo, bukas pang 38 weeks n , sobrang bigat n lalo pag nagla2kad,

5y ago

Opo. Pati sa squatting hirap na

di pa po..πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚excited

5y ago

Hehehe kabado po kase eh.