62 Replies
Kung kaya mo tiisin na huwag kumain ... wag na lang.. kahit sabihin mon i moderation... mas ok na wala kase kalaunan may mga ibang pagkain pa na mkakain mo na pwede magka gestational diabetes ka. tumaas sugar ko nun.. pinag diet ako ayun sa awa ng diyos nun inulut ko lab ko ng normalized.. pero mahirap pag sa una pa lang hindi mo na iniwasan mga dapat wag na kainin ...
Ako the day before nalaman ko na buntis ako puro chocolate ako kasi bagonh dating tita ng bf ko. HAHAHA, good thing 37 weeks na ko wala naman diabetis kahit sobrang taba ko mahilig din kasi ako mag water. Hanggang ngayon kain pa din hehe tyaka softdrinks pero nakaka 6 liters ako na water. Maniwala ka man o hindi hahaha.
Inom ka madami tubig sis pagtapos mo kumain. Ako rin kase di maiwasan lalo na't si hubby parang nagliligawan pa din kami lagi nyako pinasasalubungan ng chocolates hahaha. Heto latest na bigay nya jusko napakalaki diko maubos ubos 😂
Same here lagi naghahanap ng matamis yung panlasa ko. Pero tiis lng need pigilan ang sarili kc nakakalaki daw sya ng baby sa loob ng tummy. Kya hinay hinay sa mga sweets sis..pra d mahirapan sa panganganak.
Choco addict 🖐️ So far, okay naman babies ko. In moderation, pwede yan. Allowed naman yan pero may limit per day. Ingat lang lalo kung may gestational diabetes ka, or may chance na magkaron.
Ok lang naman po pero yung tikim tikim lang. Kelangan kasi iwas muna ang mga buntis sa mga matatamis. Kung di maiwasan, inom ka na lang po ng maraming tubig
Mahirap naman po ideprive niyo self niyo mommy. Ako po paisa isa or konting kagat sa chocolates, ganun po. Talagang tiis at sakripisyo para ok ang sugar.
masama po ung palagi, kahit sa hindi buntis kung cnasabi mong hnd makompleto araw mo di kakain ng chocolate..mataas chance tumaas sugar
Pwede naman sis konti lang inom din madaming tubig mahirap na magkaroon ng gestational diabetes hinay hinay lang sa matatamis 😊
pwede naman po kumain pero dpat bawasan tlaga kc baka tumaas blood sugar mo mahirap po un kc may tendency dn na malaki si baby.