12 weeks and 6 days

Hello po, 13 weeks pregnant na ako bukas kaso parang hindi ako buntis tingnan. Pero baka siguro konti lang nakakain ko kase sobrang maselan ako sa pagkain at parati akong nagsusuka. Meron din bang ganito katulad ko? Or sa mga 12 weeks or 13 weeks diyan, pwede patingin ng tiyan ninyo?

12 weeks and 6 days
117 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal po Yan ako din I'm 16 weeks Tom dinanas ko nong 12 weeks ang Tommy ko sobrang pagsusuka halos Hindi na malagyan Ng pagkain ang tyan ko dahil lagi akong nasusuka din wala akong gana sa mga pagkain mas gusto ko Lang uminom Ng tubig everytime na oras na ng pagkain Doon ako nakakaramdam Ng pagsusuka at Ngayon I'm 4 months preggy nawala na sya nakakain na ako Ng maayos😊

Magbasa pa

ganyan na ganyan din po ako mummy nung 1st 3 mos. ko po..walang gana kumain, pumayat din ako sobra frm. 51kls. down to 46 kls. bumabawe ako now kumain sa 2nd trimester kc ndi na ako nagsusuka..medyo halata na rin bump ko, maliit daw talaga tiyan sa umpisa pero lalaki din daw mumsh kapag tuntong na ng 20weeks and up..now, i'm in my 19weeks and 1day po🤗

Magbasa pa

Iba iba po yata talaga yung laki ng bump. I heard meron po kasi yung iba mababa yung inunan ng baby so parang hindi obvious na buntis, tapos biglang laki pag around 7-9mos na. yung iba medyo chubby or plus size na talaga before sila magbuntis kaya parang malaki na yung bump kahit ilang weeks palang. Lilitaw din po yan hehe 😊

Magbasa pa

Hi!!! Ganyan din yung tiyan ko ng 12 weeks ako. Sabi ng OB ko, maliit pa daw talaga si baby kaya hindi pa nagbobloated yung tiyan. Pero pagdating ng 6, 7, 8, lalo na 9 months dun daw talaga biglang laki yung tiyan natin kasi nag eexpand. Nakakaparanoid minsan kapag kita mo hindi lumalaki tiyan mo pero normal lang yan, mamsh. 🥰

Magbasa pa

Hi! Ako po ngayong 6 months lang nagkabump☺️Biglang laki ng tummy ko neto lang. Sobrang selan din ako, wala ako gana kumaen ng kahit ano tska lagi ako nagsusuka kahit gabi hanggang nag 4 months kaya siguro maliit lang bump ko. 4 kilos lang nadagdag saken mula nag buntis ako hanggang ngayong 6 months na☺️

Magbasa pa
VIP Member

Hi sis,d ka nag iisa 19 weeks here pero ang liit paren ng tummy ko.maselan dn kc pag bbuntis ko lalo kapag nag tatake ako ng mga resita ng doctor pag susuka lang ang nagiging resulta at lalo lang ako nawawalan ng gana.pero sabi kapag nahilot dw bgla lalake ang tyan

10 weeks pero parang 4 months na sa laki , ganito din ako sa panganay ko , pagdating ng mga 7 mos pataas maliit lang daw sabi nila kasi pang 4mos lang daw nila yun , pero purong bata iba kasi kaya masyado malaki ang tiyan dahil sa inunan ng baby tsaka sa panubigan

ganyan din saken noon, 13weeks ko di pa din nag kaka baby bump, normal lang daw un kasi sobrang liit pa tlga ni baby jan. 17weeks naman yung first kick nya saken. But maliit parin tlga tyan ko, pero okay daw yun para di daw mahirapan manganak.

VIP Member

Yes po ganyan din ako nung around 12weeks ako parang wala lang 😂😂 tapos ngayon 22weeks lumobo na siya nahihirapan nako kung paanong pwesto gagawin ko sa pag upo hahahahaha kasi ang sakit sa pwet tas balakang 😂😂

too early pa kaya ganyan... ako nga 4+months ng preggy jan sa pic ko,hindi pa din halata.. almost 7 months na nung lumobo tiyan ko..now kabuwanan ko na, pero ung laki niya, sakto lang or maliit lang ng onti sa normal....

Post reply image