40 weeks and 3 days UPDATE! Nanganak na po ako.

Pls help me mamsh, need some advice po. What to do po? Gusto ko na po makaraos kase, nastress na dn ako sa kakatanung ng inlaws ko kung nanganak na daw ba ako, tapos ung mga nakakita sken puro nalng tanung kung bkit dpa daw ako nanganganak. SUPER STRESS na ako 😭 Pinipilit ko sanang wag magworry kasu pag nagtatanung na sila inis n inis na ako. Mabuti na lng ung asawa ko napaka supportive sken, sya mismo nagsasabi sken na wag ako mastress at pinapatatag loob ko. Lahat ndn po gnawa ko, lakad2, inum ng pineapple juice, chuckie at galaw2 sa loob ng bahay. Sumasakit2 lng po puson ko na parang may mens mild lng, 3 days n po ganito, tapos kunting lakad ko lng naiihi na ako, then parang mabigat na sa pem ko pag nakatayo ako, sumasakit ndn balakang ko lalo pag tatayo na iihi, tapos di ako makatulog ng maayos and white discharge lang po πŸ₯Ί Grabe ng pagdadasal gngawa ko po, and kinakausap si baby na lumabas na sya. Bukas plng po uuwi ang asawa ko. πŸ₯Ί Yun plng po wala pang pain. Gusto ko na po makaraos kmi ni baby. Magalaw2 pa din po si baby at madalas sya nabukol sa right side. Update: checkup ko knina po, pag ie sken 0.5cm palang daw. πŸ₯Ί 1st UTZ 8weeks- EDD Nov 25 Last UTZ 35weeks - EDD Nov 16 LMP Feb 14- EDD Nov 21 Pls help po #1stimemom #firstbaby #advicepls #pregnancy #theasianparentph UPDATE: Nanganak na po ako last Nov 26. πŸ’ͺπŸ˜‡ 3.9 kilos Baby Boy πŸ˜πŸ’•πŸ‘ΆπŸ»

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lalabas din po si baby. Edd ko nov 6 But Dob is nov 10 40wks and 4days. 2-3cm upon ie that day with regular contractions, may blood na din na lumabas kaya sabi ni ob ko punta na hospital for admission na. Upon hook sa monitor ng contractions tuloy tuloy na, around 3pm nagrounds ung ob to induce na ako. 5pm naramdaman akong nagpop sa loob, 4cm na tapos leaking water na. Mas tumindi na ung pain pinatay na din ng ob resident ung panginduce. Tuloy tuloy na ung contractions 6:30pm sobrang pain na as in, napapaire na ako at nayayakap ko na ung resident na bantay saakin. Ie 7-8cm na. Mabilis progress, on the way palang ung anesthesiologists ko. Rupture na din water ko. Walang ilang mins as in parang natatae na ung feeling ko. Dali dali akong nilipat sa stretcher papuntang delivery room nakaupo na ako, di ko na kaya ung pain pag nakahiga. Kahit anung breathing exercise gawin ko wala. Gusto ko na magpush 6:45pm dumatin na si anesthesiologist nalipat na din ako sa table, doon na ako na spinal anesthesia. Dapat epidural un, kaso din na abot fully na at ung ulo ni baby pinipigilan nila kasi si ob on the way palang Pass 7pm dumating na si ob mga 5 push labas na si baby. Mabilis lang kasi maliit si baby, anticipated na ni ob na mabilis lang, pero di nia expected na di ako aabutan ng anesthesia. Hehehe sorry ang haba. Prior niyan 34wks palang start na ako ng exercise. Halos lahat din ginawa ko. Pineapple na di pwede saakin, kinain ko at uminom ako kahit nag aacid ako. Inip na din mga tao dito sa bahay namin as in 3rd wk palang ng oct tanung na sila ng tanung. Naiinis na ako, pero walang magawa kasi si baby lang talaga makakapag sabi kung kelan niya gusto lumabas.

Magbasa pa
Related Articles