18 Replies
Mommy!! Bakit sa manghihilot ka pumunta? Panu kayo nakasiguro na nakunan ka na talaga? Dami kasi what ifs e pano kung bloodclot pala ang lumabas mi at pwede pa maisalba bigyan ka pampakapit kung dinugo ka lang pala with clots😢 kaso dami na pinagawa sayo ng manghihilot worst baka hinilot ka pa niya talaga.. Sorry po ate ha ayaw ko maging rude pero wala ka pera pang pa hospital? Pwede ka po gumawa paraan eto cp mo pwede mo muna isanla😞 para may panggastos ka sana. Saka sa govt hospital db pwede ka naman lumapit sa mga tumutulong (not familiar sa twag sakanila) para maging libre pagamot sayo.. Kung gusto madaming paraan. Alam mo kung iisipin ha mas lalo pa naging delikado yan desisyon niyo po na sa manghihilot pumunta dami napapahamak sa ganyan.. Kapa kapa lang alam na nakunan ka?? Tos yun pinainom sayo d mo pa sure kung safe
Bakit sa manghihilot sis? Gaano cia kasigurado na nakunan ka? Baka hinde naman. Kasi common naman bleeding sa buntis. Hinde ibig sabihin non nakunan agad. Posible me problema lang sa loob. Baka me subchrionic hemorrhage ka lang or UTI. Nagagamot naman yan. Bakit nakunan agad?! Pacheck po kayo sa government hospital agad. Baka maagapan pa. Masalba pa buhay ni baby. Dapat talaga hinde nagpapahilot kasi mas madalas nakaka cause sila makunan mga nanay.
Yun po kasi agad naisip ng mga hipag ko po, lalo na po bagong relocate po kami dito, malayo po kasi kami sa public hospital at mahal po ang pamasahe kaya yun po agad naisip nila na gawin para malaman po kundisyon ko,, pero magpapa ultrasound nalang po ako ngayon since Hindi naman po ako dinugo na ulit.. salamat po
Huwag po umasa sa manghihilot kasi if hahantayin niyo po lumabas tapos dinudugo lang kayo ng dinudugo mauubusan kayo ng dugo. Ako po last na nakunan ako ganyan ayoko maraspa kaya hinantay ko kusang lumabas para di na din gumastos nagkulay papel nako kakahintay kasi hanggat may natira pa sa loob hindi po titigil ang bleeding at palakas po yon ng palakas, di nako makatayo ayon sinugod ako sa lying in nangutang ang asawa ko para lang maraspa ako.
Opo mas better ultrasound talaga makakasagot diyan mamsh.
Much better magpunta po kayo sa public hospital na may Malasakit Center. Don po libre at pwedeng sagutin ng government ang gagastusin nyo po ng wala kayong babayaran. May nirereseta pong gamot para maflush out lahat. Need din na maultrasound ka para macheck if may naiwan. At kung may maiwan pwedeng raspahin ka. Pinakamaigi padin na magpaconsult sa OB kasi sila ang mas nakakaalam lalo na kung usapang miscarriage.
paraspa na po Kyo dahil napaka delikado po niyan Lalo na dinudugo Kyo. kahit po Wala kyong pera. pwde po Kyo maraspa niyan. tsaka niyo na intindihin Ang pambayad Ang importante ikaw
kung wala ka po pera maari ka po lumapit sa brgy nyo para humingi ng tulong.maawa naman cguro sau ang mga taga brgy nyo para matulongan ka sa problema mo mi.try lang po nyo lumapit🙂
Bago palang po kasi kami Dito, pero thank you po..
sorry for being too judgemental ha pero ang ganda ng outfit mo sa picture mo arte mo pa tingnan tapos buntis ka walang pera pang hospital kahit public hospital? 🤭
if that's the case nag contraceptive ka muna para di ka mabuntis kawawa ang bata katwiran pa na mahirap ang buhay walang trabaho pero pwede naman sana maagapan mabuntis if di pa pala ready 🥱
natatakot ka pala ie d sana sa ospital ka po pumunta. tas ngaun natatakot ka. kht wala pera basta pag nasa osptal kana mggwa at mggwan po yan ng paraan....
juicemiyo sa panahon natin ngayon may naniniwala pa sa hilot2? punta ka madam sa hospital baka di ka nakunan pinalala mo lang eh
Magpapa ultrasound nalang po muna ako, salamat po sa suggestion
wag sa manghihilot wala naman silang pangangatawanan pag may nangyari sa inyo mas mapapagastos pa kau
Anonymous