❗❗
Please i need advice o opinion nyo po.. Due date ko na sa 3rd week this June 2019, si bf ko maglleave sya sa work nya for 45 days daw, btw 5 mos na kami di nagkakasama ni bf dahil din sa work nya at schedule. So sabi nya June 1 sya mag-leave, ang gagawin namin sa first week ng June ay magaasikaso para sa civil wedding namin. If makasal agad kami within 1 week yata uuwi sya sa hometown nya at sabi nya for 1 week daw sya mag-stay doon (isang taon mahigit narin kasi syang hindi nakakauwi sa kanila), ang purpose daw nya para umuwi e para makuha yung infant wear ng pamangkin nya para magamit din namin pero may nabili at namigay na kasi sakin ng mga pang-itaas ni baby.. actually kumpleto ko na nga ang damit nya kasi bumili na rin ako ng mga kulang, diapers nalang sguro ang wala pa at si baby nalang (para na rin sana di na sya umuwi pa). At tinanong ko sya what if by 2nd week palang ng June e manganak na ako habang nandun sya sa kanila. Taga-Negros sya at ako from Bulacan. He joked na lilipad daw sya. Pero dahil praning ang buntis, I am thinking na baka may tendency na magkita sila ng ex nya na niloko sya. Alam ko rin naman na namimiss na nya family nya. Okay lang sakin na umuwi sya sa kanila pero dami kong what ifs na baka nga mapaaga yung panganganak ko, gusto ko kasing nandito sya habang nanganganak ako. ano gagawin ko o sasabihin ko sa kanya? ? please help me..
SAHM