βœ•

I think my son does not love me.

Please help me! Hindi ko na alam dapat kong gawin para maging attached baby ko sa akin. 4mos na kami ni baby ngayong May 27. Graduate na rin siya sa newborn stage pero feeling ko hindi naging maganda yung bonding namin. Simula nung nanganak ako, kada maririnig ko ang iyak niya at hindi ko kaagad mapatahan nati-trigger yung sobrang pagka-inis ko. Tipong ayaw na ayaw kong marinig iyak niya. Kaya feeling ko ayaw niya din sa akin. Last week galing kami sa center, from 6.4 naging 6.2 na ang timbang niya. Worried ako feeling ko stress ang isa sa dahilan bakit fussy siya while bf at hindi rin makaproduce ng milk (enough ba yun kung palaging basa ang damit mo?) Alam ko marami magagalit sa akin sa sasabihin ko. Nahihirapan ako makabonding si baby. Hindi ko maramdaman yung attachment na sinasabi nila pero kapag kunwari naman na lalabas saglit, hindi siya mawala sa isip ko. How to deal with it? Please tulungan niyo ako. Nahihirapan na kasi ako. Katulad kanina iyak siya ng iyak. Napalitan na diaper, comfy naman siya busog naman pero the moment na hinawakan siya ng lola niya kumakalma siya. Hindi kaya ramdam niya na hirap akong i-bond siya? Naiiyak ako habang tinatype 'to kasi sobrang nakokonsesya ako. May times na kapag natutulog siya biglang hihikbi tapos iiyak na lang. Kasalanan ko rin dahil may 1 time na sa sobrang iyak niya and hindi ko na mapigilang magalit kaya nasigawan ko siya at don lalo umiyak. Isa sa mga pinagsisisihan ko hanggang ngayon. First time mom po. 😭

5 Replies

Naku, mahal kong kaibigan, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mahirap talaga ang pagiging isang bagong ina, lalo na kung hindi mo pa gaanong naiintindihan ang iyong baby. Pero huwag kang mag-alala, marami kang pwedeng gawin para mas mapalapit sa iyong baby at mas maging attached kayo sa isa't isa. Una, huwag mong isipin na ayaw ka ng iyong baby. Sa bawat iyak niya, ito ay kanyang paraan para ipahayag ang kanyang pangangailangan. Hindi mo kailangang maging perpekto, mahalaga na nandiyan ka para sa kanya at pinapakita mo ang iyong pagmamahal. Pangalawa, subukan mong magkaroon ng skin-to-skin contact sa iyong baby. Maraming pag-aaral ang nagpapakita na ito ay nakakatulong sa bonding ng ina at anak. Magkasama kayong mag-shower, magkarga ng walang damit, o magpa-tummy time para mas mapalapit ang relasyon ninyo. Pangatlo, huwag mong piliting pigilan ang iyak ng iyong baby. Ito ay normal na paraan ng komunikasyon nila. Sa halip, subukan mong intindihin kung ano ang dahilan ng kanyang iyak at alamin kung paano mo siya matutulungan. At higit sa lahat, mahalaga ang suporta at pang-unawa mula sa iyong pamilya. Huwag mong isipin na may mali sa iyo dahil nahihirapan ka. Lahat ng bagong ina ay dumaan sa ganitong yugto. Huwag kang mahiyang humingi ng tulong at suporta mula sa mga taong malapit sa iyo. Huwag kang mag-alala, mahal kong kaibigan. Sa iyong pagmamahal at pagtitiyaga, tiyak na magkakaroon kayo ng magandang bonding ng iyong baby. Ang pagiging isang first time mom ay isang mahirap na trabaho, pero tiwala lang, kakayanin mo yan! ❀️ https://invl.io/cll6sh7

hug tight para sa mga FTM. wag mo masyadong idown sarili mo mommy. dahil sa pagbabago ng hormones after birth,changes sa sleep patterns ni baby dahil 4 mos na sya at pati yung pressure ng environment (relatives o personal expectations mo as a mom),lack of support o help sa bahay might contribute sa nararamdaman mo. I was affected by ppd before sis. anger is always there pero if u need help ask for it. kapag naisstress ka,labas kayo ni baby kasi pag nasa bahay ka mas malulungkot ka. have someone u trust the most na pwede mong pagbuhusan ng sasabihin at emosyon at kung kaya ihabilin mo muna na samahan ka sa bahay. have a lil self care time din. kahit pagsusuklay o magliptint ka para madivert lang. it is also okay to seek medical help din and it helped me a lot po. at the end of the day, your baby loves you talaga lang iba iba ang babies. may iyakin, colicky, tahimik,tulugin na baby. please avoid comparing din coz it might hurt u more.. its okay to say na di ka kumportable rin. payakap po. sending prayers sayo sis

You might have PPD po. Youre the mom but inis ka sa baby mo pag umiiyak and etc. Ako ito nung 1-2 months si lo ko. 4 mos na din baby ko now. Iyak ng iyak baby ko noon tapos dko alam ano ba problema nya, kaso bigla ko naisip na ako ang mama nya at dapat ako ang takbuhan nya. Ayun sabay kami umiiyak habang karga ko. πŸ˜… matagal tagal to bago ko nakita pag babago. also direct latch, skin to skin. Always think hindi kangusto pahirapan ng baby mo. Tapos naging comfy na sya sakin. Ang problema ko na ngayon ako lang nagpapatahan sakanya hindi ako pwede mawala sa bahay ng matagal. Buti wfh na ako permanent..wag magalit kay baby mi. Always think he needs your help, wala sya iba tatakbuhan kundi ikaw. β™₯️

Hi πŸ™‚ I know its hard pero hopefully maconquer mo yung ganyan . Maybe nasa Post partum depression ka pa . Mas masarap at msya sa pakiramdam pag Ikaw na ina nya yng mas hinahanap at nararamdaman nya yng safe place syo . ❀️ Yung Panganay at Bunso ko sobrang clingy at lambing nila skin . na ako pa nakakapag pakalma sa knila lagi 😊 Nakakainis man tlga minsan yng kala mo Anino mona sila kng sumunod pero ang saya ienjoy hbng bata pa sila πŸ™ Try to control you anger . lalo baby payan at wla ka choice tlga sa knila kundi habaan ang patience mo πŸ™‚ Mahalin sila ng buo habng nag aadjust ka sa buhay bilang nanay .

Naku Mommy, pag 4 months may tinatawag na sleep regression yung umiiyak na halos sumisigaw. Madami kasi changes sa katawan nila na di nila macontain. Tiis tiis lang. And yes, kung nag lelet down na boobies mo means need na bawasan gatas mo. If naiinis ka na mommy, need ko ilayo si baby mo sayo para di ka mainis, normal siya pero ayun isipin mo gaano lang siya kaliit at di jiya din gusto ang umiyak. If kah kasama ka sa bahay, salinsinan kayo pag umiyak na baby.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles