I think my son does not love me.
Please help me! Hindi ko na alam dapat kong gawin para maging attached baby ko sa akin. 4mos na kami ni baby ngayong May 27. Graduate na rin siya sa newborn stage pero feeling ko hindi naging maganda yung bonding namin. Simula nung nanganak ako, kada maririnig ko ang iyak niya at hindi ko kaagad mapatahan nati-trigger yung sobrang pagka-inis ko. Tipong ayaw na ayaw kong marinig iyak niya. Kaya feeling ko ayaw niya din sa akin. Last week galing kami sa center, from 6.4 naging 6.2 na ang timbang niya. Worried ako feeling ko stress ang isa sa dahilan bakit fussy siya while bf at hindi rin makaproduce ng milk (enough ba yun kung palaging basa ang damit mo?) Alam ko marami magagalit sa akin sa sasabihin ko. Nahihirapan ako makabonding si baby. Hindi ko maramdaman yung attachment na sinasabi nila pero kapag kunwari naman na lalabas saglit, hindi siya mawala sa isip ko. How to deal with it? Please tulungan niyo ako. Nahihirapan na kasi ako. Katulad kanina iyak siya ng iyak. Napalitan na diaper, comfy naman siya busog naman pero the moment na hinawakan siya ng lola niya kumakalma siya. Hindi kaya ramdam niya na hirap akong i-bond siya? Naiiyak ako habang tinatype 'to kasi sobrang nakokonsesya ako. May times na kapag natutulog siya biglang hihikbi tapos iiyak na lang. Kasalanan ko rin dahil may 1 time na sa sobrang iyak niya and hindi ko na mapigilang magalit kaya nasigawan ko siya at don lalo umiyak. Isa sa mga pinagsisisihan ko hanggang ngayon. First time mom po. 😭