21 Replies

Ako nung nalaman kong buntis ako syempre kinabahan pero mas nangingibabaw ung saya . sabay pa nga kmi ng boyfriend kong tingnan ang result ng pt ko *tears of joy* hndi ako mkapaniwala na there's a tiny angel inside my womb. Pag punta kong work binigay ko pt ko sa mga ka workmates ko ,grabe walang mapagsidlan ung sayang nararamdaman ko . lahat kmi . Kinabahan ako when I told it to my parents ,ako na yata ung pinaka mswerteng buntis nun . hehe . Tanggap nilang ng buo. Kya mommy, alam kong npangunahan kalang ng takot mo . Hndi nten alam ,that baby will be ur lucky charm . Anyways . Godbless mommy.

Nung nalaman ko na buntis ako natakot din ako kasi baka magalit papa ko. Di pa kasi ako kasal tsaka only child din. Pero di sumagi sa isip ko ang abortion kasi anak ko to, buhay ko. Pray ka nalang po kasi wala ng mas powerful pa sa prayer. 🙏 Sana maging okay kayo ni baby. Fight lang mommy, may isang buhay na ang nakadepende sayo. Consult a specialist po, mas mabuting mag open ka sa kanya baka mapagsabihan ka pero isang beses lang yan kumpara sa maging delikado pa kayo ni baby.

yung pinsan ko ganyan din kakapanganak lang kasi nya sa panganay nya tapos biglang buntis ulit...kaya pinili nya na ipalaglag.uminom din sya ng gamot n ininom mo tas nag pag hilot pa.dinudugo sya pero still makapit yung bata..siguro talagang kung para sayo sayo talaga..hindi nmn lahat ng tao perfect minsan na kakagawa tayo ng disisyon dahil nasa mahirap tayong kalagayan..pero kung ano man ang manyari sa bandang tanggapin n lang diba ..gud luck po.

ako nagplano din po ako nung 1 month palang Yung tyan ko na malaman kong buntis ako. diko alam gagawin ko kasi di pa ako ready. pero salamat sa Diyos at sinabi ng bf ko na ayaw nya ipalaglag kaya pumayag nalang ako na ituloy kahit di kami magsasama kasi susuportahan nya namn daw ako. mabuti nalang di ako bumili nung gamot muntikan na kasi eh nasa Baclaran na ako nun bibili na Sana. thanks God.❤️

Nung nalaman kung buntis ako mixed emotions syempre pero never ko naisip yang ginawa nyo po, Yung pinoproblema ko lang bfore is kung pano ko sasabihin sa Parents ko, Kasalanan sa Diyos yung mga ganyan Mommy lalo pat walang kamuwang muwang si baby andami pong gustong mgkaanak na hindi pa binibiyayaan. But then pasalamat ka at malakas kapit ni baby mg pray ka always na maging okay si baby.

Ang hirap nga magdesisyon nyan pero dapat tinuloy na Lang nya magbuntis kase maaapektuhan Ang Bata. Kung di nya Kaya alagaan ipaampon na Lang nya atleast sa magaapon dun nya mararanasan pagmamahal sabihin na natin mahirap ey Kung papatayin mo Lang Wala Kang karapatan gumawa nun.

iwas stress at pray lang kay God na maging okay ang baby at walang maging complications..lagi din kausapin si baby at better mag bed rest na lang muna para sa safety din..ask for forgiveness na din sa baby at kay God dahil sa wrong decision in the past..

tapatin mo OB mo sis na nainuman mo ng gamot .. . swerte na healthy. pero since may gamot kang nainom at panay bleed ka di malabong magdusa yang baby mo paglabas . pwedeng hinde xa kompleto or madevelop ng maayos..

ikaw din po kasi nagpahirap sa sarili mo...karma is real po talaga,pray ka lang na walang mangyayari masama sa anak mo...hindi naman yan ibibigay ni God kung hindi sya para sayo...

VIP Member

You should tell your ob about what you did para mabigyan ka ng tamang treatment

Trending na Tanong