Blood clot po ba to?

Please ask ko po i'm 3 months pregnant. November 1 dinugo ako kinabukasan punta agad kmi sa ob at ang sabi ng ob mababa daw matres ko at low lying placenta may mga nakapalibot na dugo sa placenta ko. Niresethan lang ako continue sa pag inom ng pampakapit at pampakalma ng matres. Complete bed rest naman na ako. Di naman na ako nagkikilos pero dinudugo pa din. November 03 ng gbi as sakit po ng puson ko at balakang nilagyan ko ng mataas na unan hanggang sa nawala ang sakit nakatulog po ako tapos nagising ako 2am masakit pa rin po inantay ko mawala ang sakit hanggang sa makatulog ako. Paggising ko po ngayong 10am. May lumabas sakin ayan pong picture na yan para po syang blood clot. Nattakot po ako baka nakunan na naman ako. Nakunan na kasi ako sa una. Pag ba blood clot sign na ng miscarriage? 😭😭😭 O may nakaexperience po sainyo ng same sakin na nilabasn ng blood clot habang buntis pero okay naman po ang baby???

Blood clot po ba to?
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

placenta previa din po ako nung 2nd month of my pregnancy, complete bedrest ako until 4th month ko..pag sinabi po complete bed rest, bawal gumawa or magbuhat ng mabibigat sa bahay, higa lang buong araw tas naglagay ako unan sa may balakang para daw tumaas ang inunan..pinagbawalan din ako nun na maglakad lakad ng malayo at magakyat baba sa hagdan kz may tendency daw po kz na lumabas ang inunan ko kz nasa may pwerta ko lang daw..pinagbawalan din kami mag sex ni mister para hindi daw magopen ang cervix ko..kaya po until now never pa ako nagkaspotting..6months na tyan ko ngaun..laking tulong din talaga sa akin ang pag inom ng heragest kz support at pampakapit daw po un as per my OB..at higit sa lahat pray lang talaga sis at lagi kausapin si baby šŸ˜ŠšŸ™

Magbasa pa
5y ago

Usana po ako ngaun momsh but before po ako mabuntis folic acid ang tinitake ko at Fern D..tas niresetahan din ako ng OB ko ng Heragest after ko makunan para daw in case na mabuntis ako may support ung matres ko, tinake ko un hangang matapos ang 1st tri ko 😊