Blood clot po ba to?

Please ask ko po i'm 3 months pregnant. November 1 dinugo ako kinabukasan punta agad kmi sa ob at ang sabi ng ob mababa daw matres ko at low lying placenta may mga nakapalibot na dugo sa placenta ko. Niresethan lang ako continue sa pag inom ng pampakapit at pampakalma ng matres. Complete bed rest naman na ako. Di naman na ako nagkikilos pero dinudugo pa din. November 03 ng gbi as sakit po ng puson ko at balakang nilagyan ko ng mataas na unan hanggang sa nawala ang sakit nakatulog po ako tapos nagising ako 2am masakit pa rin po inantay ko mawala ang sakit hanggang sa makatulog ako. Paggising ko po ngayong 10am. May lumabas sakin ayan pong picture na yan para po syang blood clot. Nattakot po ako baka nakunan na naman ako. Nakunan na kasi ako sa una. Pag ba blood clot sign na ng miscarriage? ??? O may nakaexperience po sainyo ng same sakin na nilabasn ng blood clot habang buntis pero okay naman po ang baby???

Blood clot po ba to?
23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

placenta previa din po ako nung 2nd month of my pregnancy, complete bedrest ako until 4th month ko..pag sinabi po complete bed rest, bawal gumawa or magbuhat ng mabibigat sa bahay, higa lang buong araw tas naglagay ako unan sa may balakang para daw tumaas ang inunan..pinagbawalan din ako nun na maglakad lakad ng malayo at magakyat baba sa hagdan kz may tendency daw po kz na lumabas ang inunan ko kz nasa may pwerta ko lang daw..pinagbawalan din kami mag sex ni mister para hindi daw magopen ang cervix ko..kaya po until now never pa ako nagkaspotting..6months na tyan ko ngaun..laking tulong din talaga sa akin ang pag inom ng heragest kz support at pampakapit daw po un as per my OB..at higit sa lahat pray lang talaga sis at lagi kausapin si baby ??

Magbasa pa
4y ago

Usana po ako ngaun momsh but before po ako mabuntis folic acid ang tinitake ko at Fern D..tas niresetahan din ako ng OB ko ng Heragest after ko makunan para daw in case na mabuntis ako may support ung matres ko, tinake ko un hangang matapos ang 1st tri ko ?

This happened to me, kala ko masakit lang tiyan ko then tinulog ko lang buong araw. Tapos nung gabi kala ko naihi ako, so nagpunta ko ng CR. Pag upo ko nakita ko na yung dugo sa underwear ko tapos pag ihi ko, may parang bumagsak sakin na malaking clot kala ko yung baby na. Nagpunta agad kami sa ER tapos pina admit ako para lang macheck kung duguin pa. I was 31 weeks noon, pinag dextrose ako ng pang pakapit, binigyan ng pampa mature ng lungs ni baby saka bed rest. Ma tigas ulo ko so after 1 week dinugo ako ulit after non Di na talaga ko tumayo not unless punta ko CR.

Magbasa pa

hello po mga momshie. nakapagpacheck up din po ako agad nung araw na nangyari sakin yun. buti na lang po okay pa si baby. open na open daw po cervix ko. at may nilabas pa po ako na pangalawang beses bago ako dalin sa ospital. sabi naman po ob inunan lang po. Pero buhay na buhay pa po baby ko. Complete bed rest nga lang po ako kasi dinudugo pa din po ako. Thanks God po at buhay at okay pa po baby ko. ???

Magbasa pa
4y ago

ilang months na po yung tyan mo mamshie?

nagka ganyan dn ako noon mommy..first time mom..from 6 months tiyan ko noon, halos araw2 ako dinudugo noon..patuloy lang inom ng pampakapit para kay bb. 1 yr and 1month na bb ko ngayon at healthy naman siya..hyper nga..hehe subrang likot..? thanks God.

4y ago

pwede na po ba ako e pahilot?

May ganyan na lumabas saken days after kong manganak .tinatawag nilang mag asawang dugo .. Dalwa yan ..

mommy kamusta kana po? okay pa ba si baby? same sitwasyon tayo kasi ngayon ina alala ko po si baby??

4y ago

ILANG CM CERVIX MO SIS? OPEN CERVIX DIN AKO SABI SAKIN NG NAG ULTRASOUND POSSIBLE DAW NA MA LAGLAGAN AKO? SUMAKIT PA BA YUNG PUS'ON MO?

pa check up na kau sis at pakita nio agad yan ng maagapan at malaman nio po kung anu yan

go to your ob na mamsh. emergency na yan hope na sana okay lang si baby mo ?

mababadin Ang matresko people di ako dinugo nang ganyan 3 moths nako ngaun Nov

same po sakin just now lang twice may lumabas na ganyan ?

Post reply image
4y ago

baka blighted ovum sis :(