Please advice me momsh. Palabas po ng sama ng loob mga momsh. Naiinis ako sa mister ko, kailangan ba talaga sinasabayan ako sa kung ano sabihin ko. 4months pa lang ako nakakapanganak at CS mom ako at hindi madali para sakin ang mga bagay na dapat gawin. Mahirap po as in, yung hinay ka sa mga galaw mo, bawal magbuhat (minsan ginagawa ko na rin) ? kanina sumasakit tahi ko tas chineck ko may nakita akong parang butlig na mapula, nagaalala ako baka lumala at bumuka ang tahi ko. Di naman siguro maiwasan yun at sariwa pa po diba kahit healed na yung sa labas yung sa loob ako nagwoworried. Sabi ko sa kanya ganito, "Love tignan mo dali, ano to? Ano to? Wala daw wala siya ng wala. Sabi ko meron kulay pula na parang butlig, halaaa baka bumuka tahi ko. Im worried talaga momsh. Sabi niya, hindi yan bubuka, at magaling na yan. At saka tahi yan hindi daw bubuka. Yung sa knya nga daw hindi tahi pero di bumuka (balikat niya noperahan siya kasi motor accident may bakal siya sa shoulder way back 2017) lagi niya kinukumpara yun na parehas lang daw. Sa bwisit sabi ko, bakit ba lagi mo kinukumpara magkaiba naman yan. Wala na pala karapatan masaktan, kapag di masakit yang opera mo hindi na dapat masakit to. Ilang taon na yang sayo. Bawal na pala magalala? Sabi niya, bunganga ko daw laging pagalit. Ganun naman talaga ako ever since. Tapos ang ayoko pa nmn po yung pinag tataasan ako ng boses. Gusto ko ako lang mataas ang boses. Take note mga momsh nandito mama ko ha di na nahiya. Gusto ko na sana umalis dito sa puder niya, naiipon lang ng naiipon sama ng loob ko sa kanya. Ayoko ng ganun gusto ko na umuwi samin sa probinsiya. Samang sama na loob ko. Kasi ayoko iparinig sa mama ko na nagaaway kami. Pa advice naman momsh. Parang nawawala na yung love samin, nawawala na yung pagmamahal ko sa kanya, napapalitan na ng galit at sama ng loob. Parang mas gusto ko kami na lang ng baby ko ang magkasama. Ayoko na sakanya momsh, hindi niya ako naiintindihan. Wala man lambing, na mano sabihin na lang niya sakin ng mahinahon na "love hindi yan bubuka kasi ganito kasi ganyan" sa malumanay na paraan hindi yung ganun, palibhasa di niya naranasan, naranasan ko nung na cs ako bago pa yun pinaglabor mun ako, halos mamatay na ako sa sakit tapos ngayon ganito lang makukuha ko? Nasa huli talaga ang pagsisisi. Nakakapagsisi na siya yung pinakasalan ko. Nakakapagsisi ang lahat, ayoko na sakanya.huhu mga momsh sorry kasi napaka ikli po ng pasensiya ko, hindi po kasi talaga madali para sakin. Pasensiya na po kung sa tingin niyo maarte ako. First time mom po. Thanks po sa sasagot. Godbless po.??
Anonymous