First time mom!! Ano yung mga unang gamit na binili niyo para kay baby? 25 weeks na kasi ako and

Plan ko na mag ipon ng basic needs para di mabigat sa bulsa #First_Baby #firstimemom

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy. I suggest na yung mga basic/essentials lang po muna. Ito po suggestions ko: -Baby wipes -Cotton balls -Newborn diapers (kahit 1 pack lang po muna para matry nyo po kung hihiyang kay baby) -Baby bath wash & shampoo (may nabibili po na pang head to toe na and if bibili man po kayo, yung maliit po muna para in case na hindi hiyang si baby nyo, hindi ganon karami yung masasayang or hindi magagamit) -Adult diaper/maternity pads (this is for your use mommy; for bleeding after birth) -Alcohol -Few sets of baru-baruan (wag mo po kadamihan kasi mabilis po lumaki si baby; onesies will be much useful after and I suggest that you buy gender neutral ones in case hindi mo pa alam gender ni baby) -Receiving/muslin blanket -Booties or socks, mittens, bonnets (just a few lang din po, I suggest, kasi after a few weeks, mas recommended po ng pedia na wag na magmittens si baby para makaexplore sya and if bibili po kayo, I highly suggest the garterized ones para hindi po hassle ang pagsusuot)

Magbasa pa
2y ago

Tama naman yung sinabi niya ah... EBF babies do not grow as fast compared to mixed fed or formula babies..

🔴 Blanket, Towel, bib, boots and mittens, bonnet (konte lang po bilhin niyo), onesies (madaming pabenta sa shopee at lazada sa murang halaga. Yung baby ko kasi di na nag barubaru-an. Onesie kapag umaga tapos frogsuit kapag gabi. Takot kasi kami gumamit ng barubaruan baka po matamaan yung pusod. Mabilis din naman nag heal yung pusod niya.) , newborn diaper, baby wipes (much better po if water wipes since newborn si baby), 🔴baby soap ( Don’t buy oil, baby lotion at baby perfume kasi kapag newborn di pa pinapayagan ng mga pedia na gamitin. 🔴baby detergent - Recommended ko po na bumili kayo ng baby diapers, wipes, baby detergents, baby soap sa Edamama app. Kasi bukod na sa laging may sale ay mura pang po yung shipping fee. Used my code po para magka 300 pesos discount kayo sa worth 1,000 na bibilhin ninyo. MARK410365

Magbasa pa

nagstart ako sa baru-baruan 33pcs na tag 400 plus sa shopee. then lampin, wipes and 5pcs onesies na 0-3 months. wag yung newborn size, mas okay ang 0-3 months. pero nung mga 37 weeks na ako, doon ako nagbili head to toe johnsons baby bath, tapos 2 packs ng newborn size and 1 pack ng small size Diaper (in case malaki si Baby) kasi 3kg na si Baby sa tiyan ko around that time, huggies ang brand, and im glad that hiyang kay baby and never nagkarashes since day 1 of using huggies kaya di ako nasayangan..

Magbasa pa

Mga una kong binili sa baby ko nung preggy ako: - baby’s clothes - booties, mittens and bonnets - lampin/muslin cloth - diaper - wet wipes - toiletries (body wash/shampoo, cottons, nappy cream, baby oil, alcohol,etc.) - detergent for baby’s clothes (nilabhan ko muna lahat ng nabili kong clothes before magamit ni baby) Sa diaper, wet wipes and toiletries onti lng muna binili ko to check if hiyang si baby.

Magbasa pa

pinaka mahalaga gamit ni baby! maraming diaper, bulak/wipes,alcohol,baby bath! mga gamit ni baby.. baby dress, panjama(depende sa panahon),booties and mittens at least 3 pairs .. mag wash and wear nlng para makatipid..kase mabilis lumaki ang baby madali ng bilhan ng sando at short.. suggest ko lang .. yan kase ginawa ko.. para sa aking 5 kiddos kakaanak ko lang din kase nung feb 25,2023 .💖😉

Magbasa pa
2y ago

ako po di n bumili ng damit ni baby un kulang lang binili ko like pajama,mitens botties at bonet kc ang dami ng baby dress n bigay almost 2 dozen, s pajama medyo nilakihan ko na para matagal nya magamit. receiving blanket at mga damit n pang 3months up n lang ang susunod ko n bibilhin, sa diaper, baby wipes 2 pack n magkaibang brand pa lang binili ko

Unang una kong binili is madaming diaper unilove and eq brand, wipes and cotton. Konti lang binili ko na damit since yung mga barubaruan nya is galing na sa sisters ko na ginamit din ng pamangkin ko, same with the kuna, breastpump and some baby bottles. Puro pinaglumaan pero hindi pa gamit yung iba kaya medyo nakamura mura ako sa mga gamit ni baby ☺

Magbasa pa
2y ago

ako kc kasabay ko buntis un hipag ko kaya wala ako masasambot na gamit sa kanya mapupunta un gamit ng pamangkin nmin kc xa nmn un kapatid,sa mga pamangkin ko nmn sa kapatid ko naipamigay n din kaya halos lahat ng gamit bibilhin ko kaya 5 months pa lang c baby nabili n ako pakunti kunti at hindi kaya ng sabayan bili ang mamahal n ng gamit

Nagstart na ako sa newborn/0-3m clothes. Ung mga ndi pa masyado nagooccupy ng space para di pa masikip sa room hehe. Plano ko is small items muna then ihuhuli ko na ung big items like crib, stroller, air purifier, etc.

2y ago

same mommy sa huli na yung mga malalaking bagay katulad ng mga cribs, mas gusto ko muna bilhin yung mga maliliit na things na magagamit ni baby

Baru baruan po, tapos yung mga bath essentials. Wag po muna maramihan, baka kasi di mahiyang ni baby sayang lang. Yung mga gagamitin niyo po sa hospital.

ako 4 months kumpleto na, tsaka nalaman naman kasi agad yung gender ni baby..kaya yun excited pa sa akin ang asawa ko.

Kung bibili ka ng damit mi wag masyado damihan kase mabilis lang lumaki ang newborn☺