POLIO VIRUS

Pinapa vaccine nyo ba si baby? Para sa anti polio? Ano ba sasabihin pag magpapa vaccine ka ng anti polio at magkano?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

si lo naka 3 opv sa center tapos nagtanong ako sa pedia at chineck nya baby book sabi nya pwede daw pabakunahan ko ng 5 in 1, rotavirus ata un kaso ang mahal nasa 4k ang shot. wait ko nalang ulit ung center na mag iikot samin by november. my lo is 2yrs old

Diba po 6weeks dpat ngStart n sa vaccine, health center man yan or pedia..ibig sabihin di ka po pumupunta kasi yan ang unang ibibigay - Polio drops, PCV and Penta (5 in 1) vaccine

VIP Member

Yes po kunpleto bakuna ng daughter ko. Defense nila sa mga sakit yun. Yung sa polio naman, sa health center libre. Last month may nagiikot from DOH sana nakapagpabakuna kayo ma.

Pagkapanganak kay baby meron syang immunization card.. S brgy nio or health center pde magpabakuna or kung San k nanganak pde din dun pa bakunahan.wla po syang bayad

VIP Member

Yes, that's a must. Baby ko po 4600 for 6 in 1 vaccine. I think sa center libre and 2 shot ng bakuna

VIP Member

Oral lang usually ang polio vaccine. Got ours sa mall lang before. Campaign ng DOH so free sya.

meron po form na binigay sa amin mamsh.. tapos nakalagay dun kung kailan po ang bakuna..

VIP Member

Sa center po meron may pinainom sa baby ko nun kasabay nung PENTA vaccine niya

6 weeks palang baby ko ng binakunahan ng penta and oral polio sa health center

VIP Member

Punta po kayo sa brgy health center malapit sainyo, libre lang po. 😊