Siesta

Pinagbabawalan din ba kayo matulog sa tanghali kasi nakakapamanas daw? Yung antok na antok ka na pero kailangan mong pigilan.

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes mamsh. Yun ang sabi nila. Itaas mo nlng paa mo para di mamanas maamsh.. Good day Mamsh. I’m single mom for my little Matty who suffered skin asthma/atopic dermatitis at ngayon po’y naglalambing, nakikisuyo ako Please po like ♥️ din po ng family pic namin paVisit po ng profile ko po. Maraming Salamat. Malaking tulong po ito upang may kaaliwan siya sa pamamagitan ng panunuod ng tv na mapapanalunan ko po galing sa tulong niyo. Lalo na’t nasa bahay lang siya halos dahil sa sobrang sensitive ng skin niya. Godbless po!

Magbasa pa
VIP Member

Mahirap pigilan antok, minsan naman kasi 4am na di pa makatulog hirap kaya sa gabi ihi ng ihi tas kung ano ano pa nararamdaman natin. Kaya halos maghapon talaga nakahiga lang ako at tulog, konti lakad lang hehe. Pag malapit na ko manganak tsaka na ko matatagtag. Hehehe. Hirap hirap magbuntis eh tulog na nga lang nakakapawi ng hirap natin di ba

Magbasa pa

ako po since nong nalaman kong buntis ako lage lang ako nakahiga umaga gang hapon,bandang hapon 4 or 5 o clock lalabas lang saglit lakad2x konti after that higa na naman😊 pero awa ng Dios 7 months na tiyan ko ngaun wala namang manas.sana di tlaga mg manas🙏

Pinapatulog ako ng asawa ko hanggang pwedeng matulog kahit alanganing oras sa hapon basta inantok ako..kasi katwiran nya paglabas ng baby mahihirapan na ako matulog tsaka di naman ako nagmamanas kasi gumagawa ako ng gawaing bahay tsaka naglalakad lagi😊

Parang mas masama naman yung pipigilan mong matulog kung pwede ka naman matulog. Wala naman masama matulog ng tanghali. Antukin ang buntis so matulog lang matulog hanggat kaya. Ako kasi ngayon medyo hirap makatulog lagi napupuyat. Elevate your feet nalang po.

Not true... Ako araw araw tulog sa tanghali... At kabuwanan ko na ngayon never akong namanas. Eh simula 2 months palang ako preggy natutulog na ko sa tanghali eh... Need mo o lang lots of water para di ka manasin at wag masyadong maaalat mga kinakain.

Ako natutulog talaga ako kasi maaga akong nagigising kasi pang umaga pasok ng panganay namin, after magasikaso dami ko pang gawain sa bahay kaya pagod at antok after maglunch,kaya natutulog talaga ako, kasi i think kailngan ko talaga ng pahinga...

Itulog mo lang mommy. Mahalaga ang tulog sa buntis, lalo na prone tau sa insomnia so get the sleep you needed lalo na pag antok. Make sure lang wag always nakahiga, mag walk walk ka din para di mag manas. And elevate both legs pag naka upo.

ok lang matulog sa taanghali. night shift ako, so gising ako buong gabi.. morning ang tulog ko.. tanghali, tulog din ako. im weeks pregnant and wala pang manas. basta ibalance mo ang sodium intake mo sissy. at maglakad lakad ka sa umaga.

VIP Member

Pwd ka naman matulog sa hapon then sa umaga make sure na active ka. Need mong matulog kc sa gabi hirap ng matulog ang buntis. Tapos pag umanak ka pa laging puyat gawa ni baby. Kaya samantalahin mo na ang pagtulog ng masarap.