Ligo

pinagbabawalan ako ng matatanda dito sa amin na paliguan si baby ng araw ng kapanganakan nya (Monday), Tuesday and Friday. kasabihan daw un sa una. sa sobrang init ngayon, naaawa ako sa bata na hindi makaligo. napapagalitan ako kapag ipinipilit ko.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh kung ano alam mong mas mkakabuti sa baby mo gawin mo hayaan mo mapagalitan ka tapos n ang term nila magalaga ng baby bgyan ka nmn nila ng chance na ikaw ang masusunod sa anak mo.Mainit ang panahon ngaun prone sa rashes ang new born need nila maligo para mapreskuhan. Lalo sa panahon ngaun na may sakit na lumalaganap.

Magbasa pa

myth lg po iyan. kawawa si baby. magcacause pa iyan ng sakit sa balat if di araw araw papaliguan. sabi ng pedia ng baby ko everyday paliliguan after magbilad sa araw. and wag na papahiran ng mga oil.

Samin nmn sabi ni Mama friday lang bawal pero ngaun di na rin namin sinusunod kasi sabi ng Pedia di raw yun totoo. Sa init ng panahon ngaun dapat araw araw naliligo. 😊

pinapaliguan ko si baby ko araw araw kahit magalit relatives dahil sa mga paniniwala nila. as long as maayos panahon at di sobrang lamig.

VIP Member

Sabihin mo sa kanila ikaw ang masusunod dahil ikaw ang nanay, magkakasakit kamo ang bata dahil sa pamahiin nila

ok lang paliguan ...lumakagkit kasi balat pag hindi naliliguan eh

Anong konek s pliligo at araw 🤦

di po yan totoo wag ka maniwala