PLEASE HELP ME

Hello personal problem kopo ito at need ko ng advice pinost ko to sa JUST DADS kasi gusto ko malaman opinyon nyong mga lalaki. sana po matulungan nyo ako. yung asawa ko kasi may anak sa una nyang kinasama, meron naman na kameng isang anak ngayon. nakatira kame sa side ng mister ko. pero everytime na magkwekwento yung Mother In Law ko about dun sa girl naiinis ako parang lakas makababa ng self confident. malaki daw ang sahod nun mataas ang position sa work na mabaet daw na nasa mister kolang daw ang problema kaya sila naghiwalay. Alam nyo yun pqlagi nalang nila kinikwento sakin nakakainis lang parang paulit ulit. Yung anak ng husband ko sa una nyang kinasama is nasa kanya ngayon june 6 mag bibirthday ung anak nya paulit ulit na naman sinasabe sakin ng MIL ko na "malaki naman sahod nun, mabaet yun" pinaparinig pa saken yung mga usapan nila. haaay lungkot.na lungkot nako mga mommies sana matulungan nyo ko sinabe ko naman sa husband ko.bukod kame pero hndi nya padaw kaya. sana matulungan nyo ko! Thank you. - elleine

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hello sis, hayaan mo nlng mother in law mo bka close cla ng ex ng asawa mo. Tapos naccompare ka nya kasi un nga mas lamang un mlaki ang sweldo or ano. Xmpre tao lang din tayo nasasaktan din. Nattotuch ung pride natin pero ipag pray mo nlng mother in law mo sis na itouch ung heart nya at itigil na nya ung pgccompare nya sa inyo. Ang mportnte sis ung asawa mo loyal sayo.. at mhal na mhal ka.. ung mother in law natin hayaan lng natin yan mkakarealize din yan cla na lumampas na pla cla sa limit. Bsta sis ang gawin mo, wag mo lang sagut sagutin...ipakita mo lng na di ka naaapektuhan at irespect mo tlga cla.. time will come, ikaw na ang favorite na daughter in law nila. Bsta keep on praying and think positive always! P.s. kunin mo rin ung kiliti ng mother in law mo sis im sure my weakness yan xa.. bka my mga favorite xang mga food na kya mong lutuin or my mga hobbies xa na kya mong mg join sa knya. Gnun lang.. always positive thoughts lng always.. lilipas din yan. Godbless

Magbasa pa

Hayaan mo Lang Basta ibigay mo Lang Yung best mo bilang asawat Ina..mas lamang ka Kasi ikaw Yung kasama Ng asawa mo ngayon..Basta wag Lang silang mag sasalita Ng masama Laban sayo.chill ka lang.at pag usapan nyo Rin Yan Ng Mister mo.na Hindi magandang palagiaan nyang binabangit Yung x in front of u..respeto Lang nmn.

Magbasa pa

Hayaan mo siya magsalita. Wag mo ipakita na apektado ka. Smile lang lagi. Minsan darating sa point na masasagot mo din yan lalo na kung paulit ulit na, at di lang yon yong tipong icocompair ka na. Ay wag ka na magsa walang kibo non.

basta kahit ano mngyari wag mo ipapakita na naiinis ka, dapat magalang ka pa din, hayaan mo lang sila sa sasabihin nila, e ano naman sayo diba?

VIP Member

Mahirap kc talaga pag kasama mo sa bahay ang mil mo marami ka talagang maririnig na dapat ignore mo nalang para less stress

VIP Member

Dedmahin mo n lng sis.. ang mahalaga is mahal k ng partner mo at hnd sya affected s snsbe ng MIL mo..

grabe naman yan sis... may mga ganyang MIL

Mukang pera MIL mo PERIOD.