fetal death, complications, blood discharge, etc.

Pede po bang magrefrain tayo na magshare ng mga negative re: pregnancy?? Kasi medyo nakakaparanoid po pag may mga nababasa ako eh.. ewan ko lang po sa iba pero talagang disturbing po eh. Respect ko naman na iba na ngayon pero as for me pag ganun nangyari sa akin parang di ko na maiisip na mag online kasi parang titigil na mundo ko.. ewan ko lang po ha pero sa opinion ko lang naman po. Kung sakali din po paano po mag filter ng ganung mga topics dito? Di po kasi ako maalam.. kung maalam lang ako di na ako para magpost nito. Salamat.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Just like in my case sis, ectopic pregnancy. Nakapagpost ako mga ilang weeks na nung nalaman ko. A way ba to express yung grief ko. Kasi sa family ko di ko maipakita na malungkot ako or depressed kasi gusto ko makita nila na matatag ako so dito ko na lang pinost. Saka way na rin un to support ung other mommies na may mabigat na pinagdadaanan.

Magbasa pa

Yung mga maseselan na pic d ko na inoopen.. minsan naaapektuhan ako nun pag may nawawalang baby pero todo pray ako ke lord para ingatan ang anak ko sa loob ng tiyan ko nun naway maging healthy sya.. ayun naisilang ko naman sya ng maayos kahit na ECS ako ok lang importante safe c baby at healthy.

Scroll down na lang siguro po. Kasi yung iba dito, walang ibang mapaghingahan eh. As much as we're here to support each other during pregnancy, I think dapat din bigyan emotional support yung mga dumaan sa ganyan because it doesn't make them any less of a mother.

nung preggy ako hindi ako masyado nagbabasa ng mga post kase natatakot talaga ako, kaya ang binabasa ko lang yung sa progress ng baby ko.. now na nanganak ako ngayon lang ako talaga nagbabasa ng mga post pag mga about negative post hindi ko na binubuksan

VIP Member

Sakin nman po ayos lang basta nakatakip ung photo na maselan, mabuti na rin ung meron tayong awareness sa mga ganun mamsh para if ever sa atin naman na wag naman sana e atleast may knowledge tayo kung anung pwedeng gawin o iwasan..

True. Nung buntis ako di ako nagbabasa sa online kasi may mga negative akong nababasa which is not healthy for my pregnancy but after ko nanganak at nagka baby ako reading is important talaga para na rin mgka knowledge ako ๐Ÿ˜‡

For me po ayoko talaga nakakakita ng mga baby na wala ng buhay, pero gusto ko po malaman yung cause kung bakit nangyare yun, para maging aware din po ako kaya sana po i-nsfw nalang.

Same thoughts mumsh. Naging paranoid ako dahil sa mga ganyan, medyo kumalma lang ako nung last ultrasound ko and nalaman kong healthy si baby.

VIP Member

ako momsh di ko nalang binabasa lalo na ako ngayon maselan pg bubuntis ko ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”