discharge

Hello. Patulong naman po. Magkani kaya po gagastusin ko para malaman kung ano po nang yayare skin. Nag didischarge kasi ako ng yellowish, na medyo fishy odor ay medyo buo buo.. Mula nung nabuntis ako nag start ako mag kron ng white discharge na parang medyo buo buo.. Then itong month lang nging prang yellowish siya at may foul fishy smell. Pregnany ako 6 months. Mag papa checkup na ako sa friday pag psok ng sweldo ko. Tagal kasi nag lockdown kaya nde ako nkpag tingen agad. Pleaae enlighten me. Kung ano ano kasi na sesearch ko sa net. STD daw. Parang ang sakit naman. Ibig sbhin niloko ako ng asawa ko.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis, wag ka muna mag conclude na STD na yan at niloloko ka ng asawa mo. In my case, nagka yeast infection/ bacterial infection/ uti ako halos buong pregnancy ko. Nagbago talaga discharge ko, naging yellowish din minsan light green. Although di naman super kati. Pero minsan iba smell. Depende po sa laboratory yung singil nila. May mahal may hindi. Pero ang buntis prone po sa infection dahil nagbabago po katawan natin kasama na rin po sa hormonal changes natin. Bukod po sa laboratory, kung may infection need ka mag gamot para maging safe kayo ni baby. :) dont worry momsh marami talaga nagkakainfection na buntis. Gagaling din tayo

Magbasa pa
TapFluencer

Wag ka mag check sa google. Ma-praning ka lang. mag consult ka sa OB, para sa tamang diagnosis. Wag mo agad isipin na niloloko ka ng asawa mo and may STD ka. =) Medyo common sa babae and nag mkakaron ng infection down there. But mas prone lang ang buntis sa mga infection. Baka may BV ka, but usually lalabas un symptoms pag medyo malala un infection. Don’t worry, bibigyan ka ng OB mo ng gamot for that. Pwedeng suppository or oral un gamot. Sa gastos, depende sa OB mo and sa gamot.

Magbasa pa

Pa check kana sa ob m sis.. nagyari din sakin yan nung 26weeks ako... b4 may white dscharge ako n parang chalk na tunaw ung texture. After nun ng yellow discharge and spotting n ko. Pero walang odor... tmwag kgd ako sa ob ko then pina punta n ko sa clinic nya to check, nakita nya n may yeast infection ako.. antibiotic lng, den ung funzela na gamot medjo mahal nga lng, isang inuman lng for 2 to 3 days wala n ung yellowish discharge ko...

Magbasa pa

Mas maganda sis magpa lab kana if wala ka pa nun. Usually naman kasama ang urinalysis tsaka VDRL dyan eh. Tapos ang presyo nakadepende sa clinic o hospital. Sa public hospital magkano lang urinalysis 100+ lang.

VIP Member

Pwede din naman po yeast infection. Mas maganda makaraos muna checkup nyo bago pag isipan ng masama si husband. May ibang causes pa naman ang infection. Mas masasabi siya ng doctor

Possible din po na bacterial vaginosis yan mommy..consult your OB po..nakikita po ang bacterial vaginosis sa papsmear. Nasa below 1k po ang papsmear.

Sure ako ipapapsmear ka sis. Wag ka mag overthink pag pray lang natin na okay kayo ng baby mo. Stay positive 😊

VIP Member

Makati po ba? Baka yeast infection po