PREGNANCY BLUES
Pashare lang ako mommies kasi bumabaha na naman ang emotions ko after watching boss keng and pat's pregnancy reveal. Hehehe! Imagine a partner na sobrang masaya nung nalaman nilang buntis sila? Ang hirap kasi magbuntis talaga ng mag isa! Never have I imagine na mararanasan ko to, na sa akin mangyayare na magiging single parent ako. Wala ako mapagkwentuhan lalo na at lahat ng tao sa paligid ko ineexpect nla na malakas ako. Pero pag buntis ka pala kahit gaano ka kastrong bibigay ka dn. In my case halos araw araw akong gumuguho at araw araw din ko dn pinipilit buuhin sarili ko. I was fooled and used and toyed. Naalala ko nung nalaman kong buntis ako, I celebrated alone tapos sinabi ko sa papa ng baby ko hndi ko alam kung anong mararamdaman ko kasi feel na feel kong hndi sya masaya gabi nun I told him to call me kasi tinanong ko sya what if buntis ako, I thought he'll be happy since un lagi nya bukambibig ang magka anak kami, and that's it na, mag isa nalang ako after. Lately inaalala ko na naman sino kaya makakasama ko sa delivery room next year pag nanganak na ko. Kakayanin ko ba? Magiging masaya kaya anak ko na nanay nya ako? Nalulungkot ako sa dadatnan ng anak ko pero isa lang ang alam ko hndi ko sya aayawan gaya ng ginawa ng tatay nya sakanya. Unfair lang minsan mahal kalang ng tao kapag masaya ang lahat pero kapag medyo dumidilim at humihirap ang sitwasyon mag isa ka nalang haharap sa lahat. Ang lungkot 😭