Kayo po anong kwentong ATM niyo? ☺️❤️
Pareho kaming may trabaho. Dati nagagalit ako dahil hindi niya binibigay sakin ATM niya pero kalaunan I realized na hindi naman pala dapat lalo na LDR kmi. Paano kung may emergency siya? Kailangan niya pa akong tawagan o kailangan niya pang mangutang for his needs. Na hindi niya ugaling gawin. So medyo hustle. So i normalized na hindi naman necessary na nasa akin ang ATM lalo na kung marunong dn naman mag budget ang asawa ko. ☺️ Ngaung may baby na kami we share sa expenses. Walang bilangan kung magkano nagagastos namin sa baby namin. As long as nabibigay namin ung needs. Nakaka happy lang kasi never kami nag kulang. Mas ok sa part namin ung ganung set up. ☺️ Never na namin pinag awaya ang ATM.😅😂 #wifethoughts #wifeandhubby #amadordiaries
Wala sa akin kahit hindi binibigay ni hubby ang atm nya sakin basta binibigay nya sahod nya every cut off. But there was this one time na wala akong kaalam-alam, pinahiram nya pala sa katrabaho nyang babae (na bestfriend kuno sya) dahil naiwan ni gurl atm nya kaya nag offer sya na itransfer sa kanya money para mawidraw ni gurl. Which is okay lang sana, kaso hindi na naibalik ni girl hanggang nag quarantine. Tapos wala akong kaalam-alam. Grabe yung galit ko nung nalaman ko yun, chinat ko yung babae at sinabihan kong ako nga na asawa hindi ko nahahawakan atm nya, tapos malalaman ko nasa ibang babae pala. Ako pa pinagmukhang masama, wag ko raw syang idamay sa ka-insecuran ko, dahil wala naman daw masama sa ginawa nila at si hubby naman daw nag-offer. Hindi naman daw sya kumukuha pera doon, and as a matter of fact si hubby pa nga raw laging nanghihiram pera sa kanya. Galit na galit talaga ako, ma. Binlock na lang sya ni hubby sa messenger afterwards at pinasira yung atm. Nagrequest na lang sya replacement. 😂
Magbasa paWe've always had separate finances even before our baby came along. I just send him my part para sa rent and utilities. It helps na we're on the same page about that so never namin pinag-usapan na ibigay nya sakin yung atm nya or what. I'm currently a SAHM so sya ang breadwinner and masaya naman sya magtrack ng finances namin, may Google sheets pa sya para dun. So I let him be, basta ako na bahala running the household and majority of the childcare. May cash lang ako/he transfers money sa bank account ko for other stuff we need sa bahay or if I wanna buy anything.
Magbasa pawow. galing ni Daddy. ❤️☺️😍
Samin po eversince din na saknya ung atm nya☺️ never ko din ni ask hm sinahod mo or what sya mismo nag sasabi dahil same nga kami may work hindi naging issue samin ung about sa ATM as long na nbabayaran namin mga bills and na sustain ung everyday needs ok na ok na kmi dun and aminado ako na mas magaling sya humawak sakin ng pera 😂 kaya never talaga ako nag ask or nag doubt sa knya pag dating sa budgeting🙂
Magbasa pahaha. minsan nga mommy mas magaling sila mag budget. ☺️❤️
Never ask for his ATM, kusa niyang binigay sakin lahat ng money, kusa nya ko pinagopen ng bank savings na sakin lang nakapangalan then every payday ittransfer nya lahat lahat saakin. Lagi din sinasabi ng mother nya sakanya na dapat ang babae ang humahawak ng pera at ibigay lahat sakin, pero di ko na sila panapakelaman doon. Haha. Tho i have my own money because of my work din. 🤣🤣
Magbasa pahaha. very good si MIL. ❤️☺️😍
ATM ko nasa kanya pero sakin pa din naman napupunta ang sahod at sa joint namin since di ako makalabas dahil pandemic at breastfeeding ako sya pinapahawak ko para pag may sahod na sya magwiwithdraw tapos idederetso na nya sa joint at sa personal bank account ko. (WFH po ako) Same din po na shared expense kami sa lahat ng gastos sa bahay at kay baby.
Magbasa paSuper less hustle plus magaling din naman in budgeting si Hubby
Never kong kinuha ang atm or pera ng asawa ko. Lahat naman ng properties namin conjugal na but I prefer using my own earned money and don't rely on his, he can enjoy his own money and I do the same. Alam naman namin parehas ang responsibilities namin when it comes to gastusin. Minsan nga ako pa kinukuhaan nun ng pera pag may gusto sya bilhin 😅
Magbasa pahaha. ☺️❤️ ang galing. ❤️☺️
Kame naman.. since my online banking naman.. ako nagmamanage ng online banking. Wala ko problema if asa kanya atm nya basta yung monthly budget maayos, mabili mga needs ni baby at mabayaran lahat ng bills.
basta hndi issue money. sarap bubay may asawa. ☺️❤️
d ko kinukuha ang atm nya and hindi ko din hinahawakan ang buong sahod nya dahil mas masinop ang asawa ko magbbigay sya sakin ng savings namin and mag grocery na sya and araw araw na budget namin.
very good si Daddy. laking tulog pag magaling mag budget daddy. ☺️❤️
Diko rin hawak atm ng asawa ko,kc nong may work pako,share kami sa gastos nmin,din now na buntis na at wala ako work,sya na pinagbubudget ko sa gastusin nmn,pra di ako ma stress😂
haha. korek mommy. ❤️☺️
Sakin kusang binigay ng hubby ko ATM nya hindi daw kasi sya marunong magbudget. hindi din naman nya ako hinahanap kung san napupunta
very good si Daddy. ☺️❤️
IG: @sarrahjove | Member since Mar 2021