Parant mommies, hindi ko alam if normal pa yung nararamdaman ko, yung first born ko mainly yung parents ng asawa ko ang nag aalaga okay naman nung una,pero feeling ko inilalayo nila yung anak namin saming mag asawa, yung feeling na mapalo lang namin siya dahil sa iba na ang ginagawa,sisigawan or sisipain nya sila which is pinapabayaan lang nilang gawin nya yun sa kanila as a parent kelangang maturuan ng tama yun ang alam namin ni mr, one time napalo nya anak namin kaya umiyak ayun kami pa napagalitan nasabihan ng pinapabayaan namin anak namin. Masakit para samin mapalo o mapagalitan ang anak anmin pero kelan namin sya didisiplinahin pag malaki na sya?? Laging rason bata lang yan wala pang muwang yan, di ba dapat habang bata plang natuturuan na ng magandang asal?? One of my co-worker said na mas okay sya nung nagstay sya samin dahil bawat gawa nya ng mali naipapaintindi namin sakanya na mali yung ginagawa nya, ngayong nasa poder na naman sya ng parents ni mr ayun halos araw araw tumitindi pagkatarantado kasi konting palo or mapagalitan lang ayan sila na nagkukunsinti ng mga ginagawa nya. Nasabihan kami na nilalayo namin yung anak namin sa kanila which is sila naman naglalayo sa sarili naming anak samin. Nakakapagod umintidi sa kanila😭😭 2months palang yung second baby ko kaya ayaw ko masyadong isipin yung mga yun, para iwas stressed or binat pero wala eh anak namin yung pinag uusapan, anak nga namen pero wala kaming karapatan para disiplinahin sya😭
Anonymous