Nahulog si baby sa crib 😫

Parang humiwalay ang kaluluwa ko nung nakita ko si baby kaninang umaga na nasa labas na ng crib nya πŸ₯Ί 11 months old si baby and every 5am nagigising na sya kaya nilalabas ko na and nilalagay ko sa crib. Binigyan ko sya ng bottle para mag dede and nahiga din ako sa couch. Nakaidlip din ako and naggising sa kalabog and ayun na nga umiyak na si baby.. Kinarga ko sya agad and chineck ko agad baka may bukol or bruise pero awa ni Lord wala naman.. nag alala din si hubby medyo nasisi pa ako kasi di ko daw inilapit ung crib sa akin. Active naman po sya now hyper pa nga na parang wala lang nangyari. inoobserve ko din kung susuka or lalagnatin.. so far di naman po nagsuka. Dapat bang ipa CT Scan si baby ngayon? May cause po kaya to pag naging toddler na sya? Ngayon ko lng din nakita after ko syang paliguan na may sugat pala sa gilid ng noo nya 😭

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kalikutan po talaga yung ganyang age mommy. Tama po kayo na iobserve nyo po sya. If active naman po at di naman nagsuka o nilagnat okay lang po sya. Mas okay din if lalagayn nyo po ng kahit puzzle mat para kung umakyat man ulet sya sa crib at mahulog.. di po nakakatakot na sa sahig babagsak.

4y ago

nakakaparanoid po tlaga πŸ₯Ί nakakaguilty. sana nga maging ok lang sya .. iniisip ko kasi ung di ko nakikita na baka nagkaron ng blood clot (wag naman sana 😭) nag ooverthink na ako based sa mga nabasa ko .. pero so far di naman po sya nagsuka and nilagnat. Hyper pa din sya and malakas pa din kumain hehe.. thank you po sa pasagot