Grabe ang pamahiin after manganak jusko HAHAHAHA

Parang dito pa ata ako sa mga pamahiin nila na-stress kesa sa labor at panganganak. Iskimo pag ligo, pag suyod at pag gupit ng kuko ay bawal. Nag gigitata na sa dumi pero need pa rin sundin ang pamahiin HAHAHAH parang sa pamahiin pa ata ng matatanda ako mapapasabi ng " last ko na muna siguro ito. " parang pasan ko ang buong mundo sa amoy at dumi ko. ๐Ÿ˜‚ #firstmom #FTM

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako sinunod ko talaga ang sabi ng Doctor and midwife pag kauwi maligo daw agad kasi nag breastfeeding ako hindi pede na madumi ang katawan ko dahil baka mag ka bacteria makuha ng baby kapag didikit or mag Dede sakin. And advice din pede paliguan agad baby mabilisan para malinis at di makakuha ng sakit. and isa pa sa pusod ng baby ang dami gusto gawin ng mga matatanda diko talaga sinunod and thankful ako kasi wala pa one week healed na agad pusod ng baby ko as in tanggal agad yung nakakabit and di ko rin sinunod ang Bigkis.

Magbasa pa

Danas ko yan sa First baby ko, grabe un nanay ko ayaw ako paliguin kasi mabibinat... sobrang baho at ang asim ko na, lagkit ko na sobra nun... Gusto nya 1month na ganon, di ko na kinaya after 15 days naligo na ko... Haaaays! Sa second baby ko, hindi na kami sa nanay ko 3rd day pa lang naligo na ko... Wala namang nangyaring masama sakin gaya ng sinasabi nila na mabibinat raw ๐Ÿคฃ

Magbasa pa

So true ๐Ÿ™ˆ Very stubborn nga lng ang personality ko in general, hindi ako madaling ma-impluwensyahan at ginagawa ko kung ano ang sa tingin kong tama, regardless kung ano isipin ng iba. Kaya hindi umuubra sa akin pamahiin nila. If it makes sense to me or mukhang totally harmless naman, minsan ay pinagbibigyan ko na. Pero if para sa akin ay nonsense, bahala sila โ˜บ๏ธโœŒ๏ธ

Magbasa pa

Ako cs pag uwi ko galing hospital kinabukasan naligo agad Ako nagsuklay at nag gupit Ng kuko Wala namang nawala sakin nung ginawa ko mga Yan Sabi mabibinat๐Ÿ˜‚ di Naman. nasa sayo padin Yun kung susundin mo ungga pamahiin nila. ๐Ÿ˜‚ Ako pinagbawalan Ako pero matigas talaga ulo ko kaya diko sila sinunod. mas pangit ung tatabi ka sa baby mo na andumi/baho mo๐Ÿ˜‚

Magbasa pa

kung yan po cause nag anxiety huwag nio na po sundin..ako nga wala ako sinunod na pamahiin ok naman ako...twice pa ko na cs..mahalaga tamang pahinga..nasa oras ng kain..at sapat na tulog lalo kapag bagong panganak....though naligo ako after one week matapos ma-cs ..puro punas lan muna ako kasi natatakot ako mabasa ung sugat ko..pero pwede naman maligo agad..

Magbasa pa

mas better nlang tlga sumunod eh ..base sa nakikita ko mas madalang ung nabibinat sa mga nanay n sumusunod sa pamahiin ..ung tipong 10 days after manganak n naliligo with may dahondahin pang kasama..kesa sa di na niniwala laging masasakit ang ulo, nanghihina.. namamayat

hindi ako naniniwala sa pamahiin mi. kung nagcocause ng anxiety sayo e mas masama yan. after 3 days sa 1st baby ko naligo na ako kahit ayaw ng mama ko at pinipilit ako maligo ng may dahon dahon. so far ok naman ako at hindi sakitin

Yung tahi at sakit sa panganganak kaya ko pa pero ang mga pamahiin ay talagang nakaka bagsak ng mundo HAHAHAHAH

ako na walang pamapamahiin ๐Ÿ˜‚