Your child, your rules.

Parang di nasusunod samin yan. Nakakainis. Sinabi nang no sugar, no salt muna ang baby ko, kung ano anong pinapasubo at pinapakain nila eh 5 months pa lang. Nung umalma naman ako nang may halong galang pa rin, sinasabihan pa kami ng asawa ko ng maselan daw kami masyado sa anak namin. Di naman kami makaalma nang bongga kasi mga tita at mama nya mismo ang nagsasabi sa amin non. First time mom ako kaya hanggat maaari susundin ko ang pedia ng baby ko kesa naman matataranta at umikot ang pwet ko kapag may nangyari sa anak ko kakasunod sa kanila. Ang hirap pala talaga pag magkakasama lang sa isang compound.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Hindi talaga yan masusunod sa pamilyang mahilig maki-alam at feeling entitled na kailangan masunod mga advices at suggestions nila. Pero ikaw magulang at ina, kaya pilitin mo talagang bakuran ang anak mo. Kahit ano pa maging opinion sayo, maselan, maramot, or kahit awayin ka pa. Stand your grounds! Nakaka-stress pero try mo na wag magpa-apekto, explain mo kapag ayaw makinig bayaan mo, kuhain mo anak mo. Dapat yung Pedia mo strict din, yung maga-advice sayo na dalhin yung mga family na ganyan sa clinic niya para siya na Dr. na mismo ang mag explain sakanila. Yung new Pedia kasi namin ganon, strict.

Magbasa pa