Your child, your rules.

Parang di nasusunod samin yan. Nakakainis. Sinabi nang no sugar, no salt muna ang baby ko, kung ano anong pinapasubo at pinapakain nila eh 5 months pa lang. Nung umalma naman ako nang may halong galang pa rin, sinasabihan pa kami ng asawa ko ng maselan daw kami masyado sa anak namin. Di naman kami makaalma nang bongga kasi mga tita at mama nya mismo ang nagsasabi sa amin non. First time mom ako kaya hanggat maaari susundin ko ang pedia ng baby ko kesa naman matataranta at umikot ang pwet ko kapag may nangyari sa anak ko kakasunod sa kanila. Ang hirap pala talaga pag magkakasama lang sa isang compound.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ikaw pa din ina. kaya ikaw pa din ang masusunod. i've been there and mag set ka ng boundaries sa mga kaanak ng asawa mo. dapat kausapin mo din sya at ipaliwanag mo na your baby your rules. nung sakin nangyari yan. wala ko pake sa sinasabi nila kasi in the end of the day pag may nangyari ba sa anak ko e kargo nila? di. ba hindi 😅. so maging firm and still magalang pa din kahit inis na inis kana. much better na palagi kong bantayan at wag ipaubaya ang anak sa taong di pinag kakatiwalaan. hindi ibig sabihin na kamag anak e pagkakatiwalaan mo na since may mga instances na ganyan 😄

Magbasa pa