How Many Kids?

Para sa'yo, ilan ang ideal na dami ng anak?

How Many Kids?
360 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende kung kaya niyo buhayin mag asawa ang maraming anak, why not. Pero kung anak ng anak tas medyo mahirap na nga ang kabuhayan niyo, ang magdudusa in the future ang mga anak. So think twice. Pero para saken kahit 2 anak lang okay na.

3-5 kids, yung partner ko kasi gusto madaming anak dahil 3 kapatid at papa nya na yung nawala, so sobrang lungkot kasi silang dalawa nalang ate nya natira at mama nya. Medyo malaki din naman income namin ni partner so I think kaya namin.

1 to 2 lng po ,pero now 1 lng muna para ung atensyon namin pareho ni hubby nasa kanya lng muna at masubaybayan ng maayos ang paglaki nya ,then pag okay na kami financially at may sarili ng bahay don siguro pedeng mag anak ulit

Apat, kasi pareho kami ng hubby na only child, napakalonely ng buhay na walang kapatid, wala kang karamay lalo pag malalaki na kayo at wala na kayong magulang, kayo kayo lang magdadamayan.

3y ago

Agree, mahirap pagmag1 ka lang..mas masaya pa din marami'

sa tulad kong mejo late na nagsettle down isang napakalaking blessing na Ang magkaroon ng isang anak. God gave you the blessings just right for you. I agree din na nsa pagpaplano rin kung ilang anak ang kaya mong buhayin

2 children is okay, 3 is enough but still it depends to the parents on how many children they want to have as long as they can provide for them.. Syempre we should always consider the financial capacity of the household.

Okay na po sa akin ang 2 anak, para lang din may best friend silang dalawa sa isa’t isa. Sa panahon ngayon, gustuhin ko man na malaki ang pamilya namin, hindi na kakayanin. Kaya maging kuntento nalang sa dalawa

VIP Member

1 or 2 lang. Madami kami magkakapatid kaya danas ko Ang hirap kapag madami anak. Madali lang gumawa ng bata, mahirap mag-alaga, pero kung sa iba mo nmn pinapaalaga aba sige mag-anak ka kahit taon taon pa, hahahaha

At my age of 33 and pregnant now for the 1st baby 8months, we would like to have at least 3 kids po.. nsa middle age, kakayanin nman nming mag asawa kc we both have work and tgal nmin hinintay na magkaanak..

1 hanggang 2 sapat na yun. sa hirap na rin ng buhay ngayon, di na uubra yung pagmamahal lang ang ipapakain sa mga anak mo, wag na tayong gumaya pa sa iba na anak nang anak pero hindi lang kayang buhayin.