Girl Power! (Long post ahead)

Para po sa mga kapwa ko babae na iniwan ng partner nila habang buntis for whatever reason/s, alam ko sobrang hirap ng pinagdadaanan nyo lalo na kung first time nyong magbuntis. Alam kong dumadaan kayo sa depression, anxiety, stressed, insecurities when you see other pregnant moms na masaya at suportado ng partner nila, alam ko masakit. Iniisip nyo na pinangarap nyong magiging masaya ung unang pagbubuntis nyo, punong puno ng pagmamahal at aruga. Na masayang magbuntis lalo na kung nanjan ung pinakamamahal nyo na aalalay sa inyo all the way, papasayahin kayo kapag may tantrums kayo, yes mommies, I feel you! Mahirap talagang mag isa, lalo nang buntis, the number one you need is emotional support. Susunod financial lalo kung wala kayong work. Sobrang sakit isipin na pinagdadaanan natin ung problema natin ng mag isa. Iniisip nyo kung pano nyo papalakihin ung bata mag isa. Yes, I feel you! But you know girls, oo, those are just in your heads. Aminin natin na emotional talaga ung mga babae. What you're thinking and what you're feeling is NORMAL. But they are all just in your heads. I know hindi madali. I know mahirap kalabanin ung sarili nating nararamdaman. But don't dwell on it. Pagdaanan nyo, iiyak nyo lahat. Kung masakit, feel it. If you wanted to vent out your hurt and hatred, let it out! And make sure, after nyong pagdaanan lahat yan, you'll feel a lot better! Mauubos din yan lahat, ung luha, sakit, mauubos din yan. Hindi magandang kinikimkim nyo, hindi nakakatulong. Kinakawawa nyo lang sarili nyo. Labanan nyo. Kailangan mo nang mas maging matapang lalo na't magsisilang ka ng sanggol. It just takes time to heal. But do not dwell on it. May nangangailangan sa loob mo. Look at the mirror, and see your self as a tigress. Kakayanin mo yang mag isa! Ibuhos mo lahat ng oras at pagod mo sa bata at sa pagttrabaho kung di ka mayaman. Iset nyo ung mind nyo na palakihin ung bata ng maayos, magbonding kayong dalawa, give him everything he/she needs! Be his/her bestfriend. And you'll see in the end, it's all worth it! Pag lumaki na ung anak mo, magpaganda ka! Wag mo pa din pabayaan sarili mo. Marami pa ding magmamahal sayo. See the bright side. Mangarap ka ng mangarap para sa anak mo. Basta ngayon, ayusin mo muna sarili mo. Hindi lang ikaw ang may pinagdaanan at pinagdadaanan ng ganyan. Isipin mo ung mga mommies na kinaya nilang magpalaki ng bata mag isa, tatag lang ng loob ang kailangan. Most of them turned out blooming and beautiful dahil di nila kailangang mastress sa lokong partner nila. Syempre, wag na wag mong kakalimutan si Lord sa itaas. Wag ka mahihiyang lumapit sa Kanya, pagsabihan mo sya ng problema mo nakikinig Siya. Ilabas mo sa Kanya lahat ng nararamdaman mo and you will feel so much better at the end of the day! ❤ God bless you all! ? Sana nakatulong ako inyo kahit papano. ❤

11 Replies

VIP Member

°°°Laban lang ng laban mga mommies! Matuto din tayong magpatawad. Alam ko mahirap. But try to find it in your heart. Learn to let go of the excess baggages in your heart. You'll feel a lot better too! At lalo kayong pagpapalain ni Lord. Maging thankful pa din tayo dahil may kapalit naman ung nang iwan satin. At yung kapalit na yun yung isisilang natin na hindi na tayo iiwan, at hindi mawawala satin. Tayo mismo ang magsisilang ng TRUE LOVE natin! 😍tayo mismo ang maghuhulma sa kanya, na magiging best friend natin. Happy pill kumbaga. Na maffeel mo talaga na kahit mahirap ang buhay, okay lang! Kasi tayo na din ang magsisilang ng kukumpleto sa buhay natin! ❤💞😊🌸 Be strong mommies! 💪

Relate much hyst😑 bat kasi may mga lalaking walang balls, puro pasarap lang alam tapos iiwan ka lang sa huli, pero thanks god parin kasi kung di dahil sa kanya di ako magkakaroon ng baby na totoong magmamahal sakin 😊😊forever, Proud soon to be single mommy here ,😍😍 si god na bahala sa kanila .

Tama!! Kaya ako pinabayaan ko na akala ko maggng fairy tale ung kwento namin, Horror pala! 33weeks na ako excited na makita ang baby ko.. may nawala man pero may dadating na sobra sobra pa ang ibibigay na kaligayahan sakin! Sa baby boy ko lang ako magkakaron ng FOREVER❤️

Same tayo mommy 😊 be strong po

Relate dto yung cousin ko na iniwan ng 5 years boyfriend nya' 😤 pareho pa kaming buntis with same months and EDD. May karma nman at di natutulog ang dios. Godbless us all!

Indeed! All woman had worth and dignity be strong all mommy out there has a situation like this.

my situation right now, hirap pero kakayanin para kay baby

Saktong sakto sa sitwasyon ko ngayon ah hehe salamat momsh

Keep on praying momsh ! Tiwala lang sa plans ni god 😊

VIP Member

prayers and faith in God is the best healer!!🙏🙏

Prayers and trust god's timing.🥰

Trending na Tanong