81 Replies
Hi mommy, same here. Maiiwasan mo yung pagiging suicidal basta tingin ka lang lagi kay baby mo. 🙂 Isipin mo nalang na may mga bagay na mas lamang ka. Kumbaga sa pag aalaga ng bata, ganyan lagi sinasabe ko sa partner ko pag ako yung mawala. Kawawa si baby mo pag nagpatalo ka sa kalungkutan, mag unwind ka, dumalaw ka sa family mo. Humingi ka ng isang araw na pahinga man lang para malinawan ka. 🙂
Kaya mo yan mamsh at mas kakayanin pa... wag ka papatalo sa ppd! Just in case nahihirapan ka na... try mo mag consult sa psychologist or psychiatrist. Not all ng nag sseek ng proffesional help is baliw na.. makakatulong sila i guide ka kung paano ang tamang way sa pag solve ng ppd mo. Also surround yourself with friends and family! For sure super mahal ka nila ❤ I am praying for you!
Always pray mommy. Mas maganda din siguro kung palagi kang may nakakausap at nalalabasan ng sama ng loob mo like family mo. Tingin ka lang palagi sa baby mo at for sure mawawala pansamantala lahat ng sakit. Magopen ka din sa mister mo ng nararamdaman mo dahil mag asawa kayo. Kung di man sya makinig, atleast nasabi mo. Lakasan mo lang ang loob mo. Better days are coming. Tiwala lang.
Love po tau♥️♥️♥️momsh kung alam mo sa sarili mo na u are on ppd,labanan mo po, remember babae tau,we are a fighter,,wag ka mgpaapekto sa asawa mo,duon sa mga taong ngpapasaya at nakakausap mo,para malibang ka, isipin mo po ang baby mo,ako rin po bilang mommy, priority ko ang anak ko unang una sa lahat,maging matatag ka po,god bless you more momsh♥️♥️♥️
Please, offer all your worry to God. And wag na wag ka pong mag attempt na magsuicide dahil kawawa si baby at lalong lalo na ikaw sa ikalawang buhay. Kaya mo yan sis, dahil walang ibibigay na burden si Lord kung di natin kaya. Always talk to Him and ilabas mo lahat nararamdaman mo sa Kaniya kasi mas nakakagaan yun ng loob. Pray lang po palagi!
Mommy, go see a doctor. Isipin mo po na ang depression ay parang lagnat din. Gamot po sagot diyan, hindi lang dasal o positivity. Meron sa PGH free lang. Punta po kayo doon please. To everyone suggesting na magdasal lang, please po do more research on mental illness. Hindi po yun basta basta nawawala. Kailangan ng medication.
Wag magpatalo sa emosyon sis. Focus nalang kay baby, kung meron man dapat na ini ignore dito, yung pagiging suicidal dapat. Mag unwind, do chores na alam mong makakapag pagaan ng loob, minsan kase madali magbitaw ng salita ang mga lalaki. Always pray and hanap lagi ng kausap na pwede mong mapaglabasan ng sama ng loob.
always think positive mommy mag pray ka palagi kay god wag mo hayaan lamunin ka ng problema wag ka magpapatalo mommy. maraming gumagastos ng million million madugtungan lang ang buhay nila, pero ikaw binigyan ka ni god ng buhay kaya please mommy be strong para sa baby mo. kaya mo yan kayang kaya mo yan. 👊
Kaya niyo po yan momsh, mag isip nalang po kayo ng mga di nega na bagay saka make yourself busy nalang sa ibang bagay para di niyo naiisip na malungkot kayo, saka si baby niyo po andyan naman sya gawin mong motivation. Sarili niyo lanh po kasi makakatulong talaga sainyo.. Magiging okay din po kayo, Inshaallah 🙏
Hi, please pray/ give your concern to God.. "Cast ALL your burdens to HiM.. He will carry you through." Pray for your husband that He will transform/ change his heart by God. Just believe and have faith. Prayer works. Pray without ceasing. God is faithful. I'll pray for you. God bless you and your family.
Anonymous