Tumatagas na panubigan

Pansin ko po laging basa underwear ko ket di naman po ako naiihi nag ooverthink po ako kung natagas ba panubigan ko o hinde.. 7 months pregnant po ako first pregnancy po

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Consult your OB immediately momsh. Kasi it happened to me before, parang merong lumabas na tubig sa akin. Siguro mga 1 kutsarang tubig kaya basa rin ang underwear ko. Di pa nga naniniwala ang partner ko kasi maaga pa raw masyado. Then I told my OB about it nung late at night na sa next day, she told me na magpunta agad sa clinic para ma.IE nya ako. Nagpunta kami nung tanghali na tapos pagka.IE nya sakin 2cm na pala ako and may dugo na sa fingers niya meaning nagleleaking na pala ang bag of water ko nung time na basa ang underwear ko. I was still 36 weeks and 4 days nung time na yun. After akong ma.iE dinala agad sa labor room kasi sign na yun na manganganak na ako or kailangan ko ng ipanganak ang bata. Wala akong naramdamang labor pain kaya magulat talaga ako sa bilis ng mga pangyayari. Dapat pag may leaking ka, magpunta ka agad sa hospital or OB within 24 hours para macheck ang status niyo ni baby kasi wala ng nakaharang sa ulonan ni baby na syang magpoprotect against sa bacteria kaya if lagpas 24 hrs. kanang nagleleaking, more likely tuturukan ka nila ng antibiotic para makaiwas ka lalo na ang baby sa infection. Based sa experience ko, kahit pinadaan ang antibiotic sa IV line/dextrose ramdam na ramdam ko ang sakit sa ugat ko nung dumaloy na ang gamot. As in tinatap ko na lang ang wrist/arm ko kasi parang pinapaso sa hapdi at sakit ang ugat ko na talagang tutulo talaga luha mo.

Magbasa pa
1y ago

Thankyou for info and sharing your story momshie❤️