sinasaktan ng partner

Pano po pag buntis po kayo tapos sinasaktan kayo ng partner niyo hahayaan niyo pa po ba mabuo pamilya niyo o iiwan nyo na lang po? 36 weeks na kong buntis pero pinag hihinalaan ako ng partner ko na nag papagalaw ako sa iba at sinasaktan niya din ako. Please kausapin niyo po ako

77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi tama na sinasaktan ka. Kailangan mong matuto tumayo sa sarili lalo na para sa baby mo. Magprepare din ng plano mentally, physically lalo na financially dahil kung nakadepend kayo sa partner niyo medyo mahihirapan kang iwanan siya. Kailangan mo din isipin kung yan ang gusto mong environment para sa anak mo, na nakikitang nagkakasakitan ang parents. Kung girl ang baby niyo, baka maisip niya na ok lang sinasaktan ang babae. Pag lalaki baby niyo baka future ganyan din gawin niya sa partner niya dahil yan ang nakikita nila sa bahay. Which is hindi tama. Mahirap man iwan kahit marami magadvise iwanan ang partner mo dahil wala siyang respeto sayo. pero kailangan mo din magisip lalo na para sa baby niyo. Hanggang kailan mo hahayaan ang ganyan, maybe one day baka may mangyari sa iyo, would you have peace of mind na mapupunta kay partner ang baby?

Magbasa pa