nanganak na po ako

pano po gutom baby ko wlang laman gatas dede ko pano po gawin ko

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Meron po yan mommy.. nung nasa recovery room pa ako dinadala ng nurse sakin yung baby ko para mag dede, kahit parang wala syang nakukuha okay lang, tapos babalik na sya sa nicu. Then after 2hours dadalhin sya ulit sakin, hanggang nasa room na kami, napansin ko nagkaka gatas na ako. 2 weeks na si baby ngayon hindi kami nag formula milk. Ipa latch mo lang sya every 2 hours o kaya pag gusto nya dumede.

Magbasa pa

Nung nanganak po ako tru cs. 1st nyt dko sya napadede nasa nicu baby ko.2nd day pinapunta nko sa nicu pra magpadede.kahit n zero percent pagpisil ko wala lumalabas n gatas pinadede ko p din sya dede nmn sya.meaning po meron sya nakukuha skin kahit n dko nkikita ng pisikal.tiwala lng po,ipa latch nyo lng po ng ipa latch kay baby.meron po yan.

Magbasa pa

Ask mo yung pedia... Ganyan din nangyari sa akin... Nakakaawa yung anak ko... Niresetahan ng pwede ipadede... Naging mixed ang gatas ng anak ko... Hanggang sa hindi na talaga ako nagkagatas... (May gatas ako pero hindi lumalakas... Hindi kayang bumuhay ng anak)

Imassage nyo po yung breast nyo circular motion tapos pisilin nyo yung nipple nyo pahatak .. May napanood po ako ganyan sa youtube before ako manganak tapos ginawa ko yan kaya buntis palang ako lumabas na agad gatas ko. Share ko lang :)

Latch lang sis feeling mo lng wala pero meron nakukuha yan, kasinlaki lang ng cherry stomach ni bb at birth kaya d kelangan madami, ako after 4 days ko pa visibly nakita may gatas na unti unti nalabas palatch mo lang tyagaan lang.

Ako po mahina gatas ko at Iyak ng iyak si baby nagformula po ako. Tapos yung partner ko nagpapakulo ng malunggay na iinumin with milk at masasabaw na pagkain ang kinakain ko after nun nagkagatas na ako ng malakas

VIP Member

At least 3liters of water everyday mamshie. Tapos take ka malunggay supplements. Masabaw na ulam.. Tapos I heard may consultant keme na nag mamassage para sa ganyan tapos tuturuan kna rin nila kung paano.

Imposible po na wala kayong gatas. nasa mindset po yun ng mommy. kelangan po tama yung clutch ng baby sa breast nyo para makapag produce. Wag din po kayo mag pump dapat po baby directly ang sususo.

VIP Member

how many days na po after delivery? ipa latch lang talaga mommy. the first few days mahirap... try supplementing formula milk but don't stop breastfeeding. the milk supply will come

Meron po kayong gatas kelangan lang po tamang clutch ng baby sa breast nyo. Mas importante po mag breastfeeding kesa formula.