Lagi nalang galit
Pano po ba maiwasan magalit ng magalit? Kakapanganak ko lng po ksi and 1 month palang bunso ko (baby boy) Yung panganay ko 2 years old (baby girl) aware naman po ako na nasa peak na ng kakulitan at kalikutan. Pero madalas ko siya napapagalitan at minsan napapalo pero hndi naman ganon kalakas. Sobrang kulit po ksi at di mapagsabihan, sobrang stress ko pa pag nagsasabay sila ng iyak. Pag umiyak sya eh talagang lalakasan pa pag snabing stop. Dumadating sa point na sa sobrang galit ko sa panganay ko, nakakapagsabi ako ng mga bagay na hndi maganda which is later on nari-realize ko na mali pala at mapapaiyak nalang ako at magsosorry sa anak ko. Pero paulit ulit parin na nangyayari kahit snasabi ko sa sarili ko na hndi ko na uulitin sabihin yung ganun o kahit pa sabihin ko na pipigilan ko na ung sarili ko na magalit ng magalit sakanya. Ayan na naman yng galit ko hndi ko napipigilan pag naglikot at nag ingay na naman sya. Naaawa ako ksi ramdam ko naman na gusto nya lang ng affection kasi since nanganak ako aaminin ko medyo nawalan ako ng time sakanya lalo na kung makikipaglaro dahil kelangan ako ni bunso. Pag natutulog sya at tinititigan ko napapaiyak nalang ako kasi naiisip ko grabe na ko sa anak ko magalit. 😩