Kabet Ng Asawa Mo. Ano Gagawin Mo?

Pano magiging reaksyon mo pag may kabit asawa mo? Lalo pag ayaw mo masira ang pamilya na binuo nyong dalawa. Iiyak ka lang ba sa sulok o susugurin mo ung babae? Sabi ko sa asawa ko, pag may nalaman akong may babae sya, gugulpihin ko talaga ung babae sa harapan nya..

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kapag nangabit siya. Siguro lalayo nalang ako kasama ang anak namin. O di naman kaya papipiliin ko siya. Kami ng anak niya o ang babae nya. Kung kami pinili nya, kailangan patunayan nya na di na ulit mangyayare ang ginawa nyang kabulagstugan....

Umpisa pa lang winarningan ko na sya tungkol dito. Deal breaker sakin to. Sinabihan ko sya isang pagkakamali lang. Hindi ko sila aawayin. Bat ako bababa sa level nila? Basta hihiwalayan ko sya. Pag-uwi nya nasa labas na lahat ng gamit nya.

Haha syempre hahayaan ko nalang. Di ko sasaktan ung babae kasi kung gaano sya kalandi kung di magpapalandi asawa natin at alam nya may asawa sya di nya dapat patulan. Kaya hiwalay kung hiwalay. Kaya ko buhayin anak ko ganun

Sakin namn pong sitwasyon dalawa kami nabuntis nung bf ko. At hindi ko akalain na mangyayare yun. Ang nabuntis pang isa is kabarkada nya nung HS! Tas mas pinipili nya yon kesa samin😢💔 any suggestion po kung ano pwede gawin?

5y ago

Ipapa apelyido ko po sakanya at hindi ko po ipagkakait na makilala sya ng anak ko dahil ako ako po ay lumaki na ng hindi kasama ang ama ko dahil broken family kami at hindi ko po akalain na mararanasan din pala ng anak ko😢 Hindi ko po alam kung kakayanin ko pero gagawin ko po ang lahat para sa anak ko. Hindi ko po talaga ipagpipilitan ang sarili ko sakanya dahil alam ng Dyos ang makakabuti sakin kaya ganto ang nangyayare sakin at nagtitiwala po ako sa mga plano nya alam ko naman na di nya kami pababayaan ng anak ko😇

Kung sakali man mag karoon ng other woman ang LIP ko hindi ako magpapakababa para lang ma win back ko sya and di ko rin aawayin yung babae iwan agad tutal choice nya yun eh dba nga CHEATING IS A CHOICE NOT A MISTAKE. 😂

Iwanan mo na agad sis di naman ikao ang nagsira sa pamilyang binuo mo e kundi sya. Pra san pa e sya nman ang sumuko senyo msyado syang marupok. Dka mahal nyan pg ganyan kc kung mahal ka di sya ggawa ng ganyang kagaguhan.

Pag nambabae asawa ko iiwan ko nalang. Di na ko makikipagtalo bahala siya sa buhay niya. Di ko kaya makisama sa taong di ako kaya irespeto bilang babae at asawa. Pero alam ko namang di kaya gawin ng asawa ko yun. 💓

Depende kung gano mo ka mahal! Haha. Be like anabelle rama, sinusugod ang mga chix hahaha. Kung ma sa-save niyo pa, edi go. Kung hindi naman, iwan mo na lang 😂

Hindi ako magpapakababa sa level ng kabit para sugurin siya. Ang asawa ko ang kakausapin ko dahil in the first place, siya naman may kasalanan ng lahat.

Depende e. Baka mapatay ko pa silang dalawa pag nahuli ko sila pero pag hindi hihiwalayan ko asawa ko, wala akong oras sa mga taong manloloko.