Kabet Ng Asawa Mo. Ano Gagawin Mo?
Pano magiging reaksyon mo pag may kabit asawa mo? Lalo pag ayaw mo masira ang pamilya na binuo nyong dalawa. Iiyak ka lang ba sa sulok o susugurin mo ung babae? Sabi ko sa asawa ko, pag may nalaman akong may babae sya, gugulpihin ko talaga ung babae sa harapan nya..
Hinde ko alam kung considered na kabit ang ka one night stand... Pero nung nalaman ko na may nakaone night stand ung asawa ko wala na ung HALIPAROT NA BABAE nakapagtago na pati social media niya nakaprivate wala kang picture na makita... At nagtatago na siya sa ibang pangalan takot na takot siguro dahil may asawa din siya! TAWAG KO NGA SA KANYA BABAENG NANGALUNYA AT NAKIAPID SA ASAWA NG IBA GANUN DIN ANG ASAWA KO NANDIDIRI AKO! kung nalaman ko lang kaagad pupuntahan ko talaga at bubuhusan ko ng isda na mabaho na at may worm tapos lagyan ko ng maraming sili at ibuhos ko un sa pagmumukha niya at sa pekpek niya dahil buhay pa siya pwro inuuod na siya sa dumi ng pagkatao niya.. May asawa siya nakipagsex pa sa ibang lalaki kahit alam niya may asawa tapos siya pa ang nag initiate talaga! Kaya nararalat lang sa kanya un! Hinde ko idadapo ang kamay ko sa kanya! At hanggang ngayon pinagdadasal ko na sana mahuli siya ng asawa niya dahil aa ugali nun hinde lang un sa asawa ko nakipagsex sa kati nun pumapatol un sa kahit sino kaya careful kayo baka maging kabit un ng asawa ninyo ng hinde niyo pala alam..nasa singapore siya ngayon! Swerte niya dahil saka ko nalaman ay wala na siya dito pero alam ko na pagbabayaran din niya ang pagsira niya sa relation namin ng asawa ko! At sakit na pinaranas niya sa akin.
Magbasa paKaya ayoko pa magpakasal, haha baka magsulputan ang mga magiging kabit ng LIP ko 😒😂. Pero nasabi ko din naman sa kanya "once na magcheat ka, ipapahiya kita". Actually, tahimik lang LIP ko kapag minsan na pinapagalitan siya ng parents/grandparents/relatives niya. Pero hindi nila alam marunong siyang magsinungaling. Totoo pala na once na tahimik ka, madami kang tinatago. Pero lahat yun nalaman ko, hanggang sa nahuli ko siya na may kachat na iba, humihingi ng nude pics. Then screenshot lahat sabay send sa kanya na "bakit may ganto ka?" Hindi naman ako takot na mawala siya, kasi kung ako lang kaya ko naman akuin lahat para sa baby ko. Ayoko lang is makilala niya yung tatay niya sa ganung pag-uugali. So far ok na siya, hindi na siya tulad ng dati kasi nag exchange na din kami ng fb accounts and other social media accounts. And isang phone lang gamit namin just to make sure wala ng magloloko.
Magbasa pakadalasan ganyan, mga taong di makabasag pinggan sila talaga ang mga taong di mapagkakatiwalaan, yung akala mo santo futa eh demonyo,tas yung akala mo honest at loyal yun pala mas malala pa sa mga manloloko mas malala pa sa mga sinungaling 😂😂😂.... buti naman nagbago na siya edi goodboy na pala lip mo moms😂😂😂
Wag ka na sumama sa pila ng mga martir na babae. Kung mahal ka nyan hnd yan mangbabae. Saka wag ma idahilan ung anak na ayaw nyo masira ang pamilya or ayaw nyo lumaking walang ama ang anak eh haler choice ng asawa nyo magloko. Saka napansin ko karamihan ng mga asawa na nagtitiis sa mga cheater nilang husband is hindi financially stable kaya takot sila umalis or humiwalay dhil hnd nila kayang maging single mother. Ayan ang sinsabi na You should love your self first before others. The moment na mawalan ka ng self respect at Love feeling mo hindi ka worth it. Kaya nga dpat bago mag-asawa advance ka magisip na if ever na iwan ka ng lalaki kaya mong tumayo sa sarili mong paa. Parents ko sabi saken "bumili ka muna ng bahay at lupa bago ka mag -asawa,paano kapag iniwan ka ng asawa mo? Saan ka pupunta? Wala?".
Magbasa paKung ako siguro gagawin ko kapag nahuli ko siya, di ako magpapahalata, di ako kikibo na may alam ako magiging mabuting asawa ako saknya magiging sweet magiging extra caring saknya, ibibigay ko saknya yung ginagawa ng mga kabet na sobrang mapagmahal daw "mapagmahal pero pinili sumira ng buhay🤦" so ayun nva ang gagawin ko baka maging kabit like din ako sa kama para hanap hanapin niya sakin para pagkatapos non saka kosiya iiwan , Oo mga sis iiwan ko siya patitikimin kolang siya para hanapin niya para maalala niya yu g bagay na ginawa lang niya sakin na nambabae lang siya hindi naman sa lagat ng tao palagi g pagkakamali yun e kasi una palang pede na tumanggi kaso pumatol so di na pagkakamali yun🤣 kaya huwag niyako gawing tanga. Kaya malaman laman kolang nakuu. Humanda siya di naman ako basta basta aalis ng walang ganti e🤣
Magbasa paparang napanood kona yan ah, ahhaha bsta movie yun eh hahahaha , ako din yun ggwin ko pag nahuli ko or nalaman kong gumawa ng ganon asawa ko .. tsk! kaso alm ko naman na di maggawa ng asawa ko yun kasi alam nya kung paano at gaano kahirap na lumaki walang pamilya,broken family tatay niya babaero ,nanay niya iniwan sila sobrang liliit pa nila sabi niya sapat na ang narasanan niya yun wag lang maranasan ng mga magiging anak niya. kaya may tiwala ako 😁😁😁😁
Malaman ko Lang . kahit isang beses na mang babae asawa ko . Dko sya mapapatwad . Gawan nya na ako ng kahit anong pag kaka mali . pero wag na wag syang mang bababae . Nkaka diri ! 😑 talagang Dnya mkikita kahit kelan mga anak nya . Pero Buti nalang talaga sobrang Loyal nya ❤️😍 At mahal na Mahal nya kami . Na inlove ako sa knya ksi sobrang Mahal nya mga mgulang at kapatid nya lalo yung Bunsong babae . nung mag Jowa palang kmi sa tuwing pinagagalitan yun ng mama nya . Iniiyakan nya pa . Kaya alam ko . nsa tamang lalaki ako napunta ❤️ At pinag papa salamat ko lagi yun kay Lord 🙏 ska ang swerte ko dn sa pamilya nya . sobrang babait nla at tanggap din nla ko ng buo 😊Lalo hipag ko . Parang ate na turing ko sa knya tapos Best Friend pa .
Magbasa paI told my husband if he'll cheat on me, hindi na ako magdadalawang isip iwan siya. I'll just pack mine & baby's things and we're off already. In the first place if he's sincere and loyal sa'min ng anak niya hindi niya maiisipan mag cheat. He'll never see his baby if he'll cheat kasi hindi deserve ng baby namin 'yon. At alam niyang kaya kong buhayin mag-isa yung anak namin. Hindi ko aawayin ang girl kasi I won't stoop down to her level, hahayaan ko nalang sila. Kasi ako, masaya ako kahit anak ko lang ang kasama ko. Hindi nakadepende ang desisyon ko, kasiyahan ko sa asawa ko. One mistake, we're done.
Magbasa padi ko alam anung gagawin ko. may husband cheated for almost 8 months na di ko alam.. ngayong july ko lang nalaman sa mga kaofficemate niya although may instinct na ako, kaya lang di ko un pinansin.. yung seste pala, kinaibigan muna ako ng babae sa chat.. kaopismit din nya ung babae. sa ngayon, di ko pa kinakausap MR ko. hintay ko lang sya mg approach sakin. balak ko na sana umuwi sa bahay ng mama ko. naaawa ako sa tatlo kung anak. 1 month palang ako ngayn galing sa panganganak, di ko alam gagawin ko. 😥
Magbasa paOne mistake and we’re done. Alam na alam yun ng asawa ko, kasi sabi ko sa kanya hindi lang ako niloloko ny kundi pati mga anak namin. Alam din nya na kayang kaya kong buhayin ang dalawang anak namin. Kaya tayong mga mommies mas okay if may work tayo para just in case magloko mga husband natin hindi tayo kakapit at magpapakamartir sa kanila dahil wala tayong pantustos sa mga anak natin.
Magbasa paKakausapin ko Yung Asawa ko. Kung ano gusto Niya mangyari.. then depende sa sagot Niya susunod gagawin ko. If dumating sa point n pinili Niya Yung kabit. Go lang.. Basta may sustento anak ko at pag kailngn siya Ng anak ko pupunta siya. If not mag hihimas siya Ng rehas.. Pero Yung girl d ko n papansinin unless manggulo siya.
Magbasa paDati sabi ko pag nahuli ko partner ko na nag loloko hihiwalayan ko. at nangyare nga pero di ko nagawang hiwalayan. Sa sobrang galit ko na uuwi sa luha . Sobrang sakit para akong sinasaksak ng paulit ulit. Galit ako sa lahat ,galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong lokohin ako.