Mukhang nagdadalaga na si kapatid. Normal na maging curious and excited siya sa mga gamit pampaganda. Baka nahihiya siya magsabi sayo kaya patago siya gumamit. Pero hindi tama na basta basta siya kukuha ng mga bagay na hindi kanya. Since bata pa siya, ikaw na magkusa mag open up and approach sa kanya. Try mo bilhan siya kahit lip gloss lang ganun, tapos pag ibibigay mo na dun mo na din sabihan na if may need siya, pwede lang siyang manghiram sayo, na wag siya mahihiya magsabi kasi normal naman na matututo na siyang mag ayos ng sarili niya. Nakuha mo na loob niya, bawas problema pa. Yung mga ganyang teenager kasi nagi start na silang maconcious sa sarili nila, tapos usually wala naman yang pera pambili kaya o kaya minsan nahihiya magpabili kaya ninja moves sa pagta try ng products. Ikaw na lang na ate ang umintindi. Pag ganun pa rin after all your efforts, pagsabihan mo na. Pero I think sa una mas okay na ikaw na ang kumausap, na sabihan siya na normal ang make ups kasi babae ka. Mas makakarelate ka sa kanya kesa sa kuya niya. Pag pinadaan mo kasi agad sa kuya niya, ang magiging dating sa kanya ay nagdadamot ka. Baka lumayo pa loob niya instead na maging close pa kayo.
Magbasa pa