Nawawalang gamit
Pano ko ba ioopen sa asawa ko na pagsabihan ang kapatid nya na wag makialam sa mga gamit namin? Nahihirapan ako kasi 13 years old lang kapatid nya pero matured naman mag isip. Ang problema kasi pag umaalis kami ng bahay, pag uwi namin may mga nawawalang gamit sa gamit ng baby ko o kaya sakin. Last time concealer at eyebrow pencil ang nawala sakin. Ngayon tiny buds na oil at vaseline na petroleum jelly ang nawawala. Tapos minsan madadatnan kong magulo na yung vanity ko. 🙁 nagsstruggle talaga ako pano sasabihin sa asawa ko yung ganon.
Mukhang nagdadalaga na si kapatid. Normal na maging curious and excited siya sa mga gamit pampaganda. Baka nahihiya siya magsabi sayo kaya patago siya gumamit. Pero hindi tama na basta basta siya kukuha ng mga bagay na hindi kanya. Since bata pa siya, ikaw na magkusa mag open up and approach sa kanya. Try mo bilhan siya kahit lip gloss lang ganun, tapos pag ibibigay mo na dun mo na din sabihan na if may need siya, pwede lang siyang manghiram sayo, na wag siya mahihiya magsabi kasi normal naman na matututo na siyang mag ayos ng sarili niya. Nakuha mo na loob niya, bawas problema pa. Yung mga ganyang teenager kasi nagi start na silang maconcious sa sarili nila, tapos usually wala naman yang pera pambili kaya o kaya minsan nahihiya magpabili kaya ninja moves sa pagta try ng products. Ikaw na lang na ate ang umintindi. Pag ganun pa rin after all your efforts, pagsabihan mo na. Pero I think sa una mas okay na ikaw na ang kumausap, na sabihan siya na normal ang make ups kasi babae ka. Mas makakarelate ka sa kanya kesa sa kuya niya. Pag pinadaan mo kasi agad sa kuya niya, ang magiging dating sa kanya ay nagdadamot ka. Baka lumayo pa loob niya instead na maging close pa kayo.
Magbasa paSa tingin ko po, at age 13 ay pwedeng kayo na mismo ang kumausap sa kapatid nya. Pagsabihan lang nang maayos at mahinahon. Or give the child the benefit of the doubt, tanungin nyo kung alam ba nya nasan yung hinahanap nyo? Baka naman alam nya at hindi nya lang naisoli in which case you can kindly remind na sa susunod ay pwede namang pagpaalam muna or pakibalik sa pinaglagyan after ☺️ Kayo na nagsabi na mature na rin naman, as long as maayos naman ang pakiusap ay I think it should be ok. Kapag pinadaan nyo pa kasi sa asawa nyo, baka lumaki lang ang maliit na issue. However, kung napagsasabihan nyo naman nang maayos at talagang may attitude yung kapatid, then I think that's when kailangan nyo na nga idaan sa asawa nyo.
Magbasa paang daming beses na po ako nag try na itanong sa bata kung nakita nya mga gamit ko, pero since siguro ramdam nya na alam kong sya ang kumuha, di sya aamin sakin kasi baka natatakot or what. :(
hindi ba kayo naglolock ng door kpag umaalis? kung wala kayong sariling kwarto mas maganda bumukod kayo. mahiral din kasi un ganyan na may nangingielam ng gamit lalo na at di nmn pinagpaalam. kung dimo masabihan partner mo e ikaw na kumausap.
di po kami naglalock kasi mas marami saksakan sa kwarto namin kesa sa labas. phones nila dito na chinacharge sa kwarto namin.
Siguro po mas maganda kung mamimili po kayo, bumili po kayo ng extra. Yung para po sa kanya. Baka po nahihiya lang sya sa inyo. Kasi parang need nya ung mga kinukuha or hinihiram nya sa inyo. :)
kung anong meron ako na make ups, meron din sya. mas marami pa nga kung tutuusin kaya di ko alam bat nagagalaw pa nya yung akin na kakapiranggot 🥹