Cheating

Pano ba ijustify yung makita mo yung asawa mo nasa picture ng isang babae na 2 years ago na naging issue sainyo? Pano pa ba magtiwala sa kung ano ang sasabihin nya? ? Na sa chat lang kayo nag confront ng asawa mo. Pero pag-uwi ng bahay, wala kayong imikan. Kasi di mo alam pano sisimulan yung usapan lalo na't sobra kang nasaktan. Kahit pa sabihing 2 years ago na yun. Naka-move on na sana ako pakunti-kunti, tas yun pa makikita ko. Ang sakiiit lang. ?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pag usapan ng personal, matuto tanggapin ang magkaka mali nya kc lalaki xa. napaka unfair para sa atin mga babae pero yan ang realidad sa buhay mag asawa. napaka sakit momshie naranasan ko na rin yan. uuwi ang asawa ko ng madaling araw na may pasalubong na chikinini sa katawan niya. Pinilit kong mag move on, subrang hirap yun. hindi ko maka limutan at daldalhin ko yun habambuhay. Pero nasa atin pa rin ang takbo ng buhay natin. ang ginawa ko mas dinoble ko ang pagmamahal sa kanya at pag aalaga. hanggang sa dumating ang araw na mas kelangan nya ang ako kesa sa ibang tao. xa na mismo ang humihingi ng SORRY sa lahat ng pagkakamali niya. at syempre momshie PRAYER KAY LORD ang katuwang ko/natin.

Magbasa pa